Jetski, jetski
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2018 - 12:00am

UNANG balita ay sasakay ng jetski si President Duterte sa Philippine Rise. Itatapat sana ang pagsakay sa pag-alis ng 50 dalubhasa na magsisigawa ng panunuri sa nasabing karagatan. May mga nakahanda na ngang jetski sa likod ng barkong pandigma ng Pilipinas. Alam ng lahat ang pahayag ni Duterte tungkol sa pagsakay ng jetski sa South China Sea at magtatanim ng bandila natin sa islang inaangkin natin. Pero walang naganap nang maging pangulo na. Usap-usap lang daw iyon.

Pero nang papalapit na ang oras, hindi raw sasakay ng jetski si Duterte. Ang sasakay na lang ay ang kanyang anak na si Sebastian, si Special Assistant to the President Bong Go at National Security Adviser Hermogenes Esperon. Pero ni wala sa Philippine Rise ang pagsakay ng tatlo at sa Casiguran Bay lang. Malayo ang Philippine Rise, kaya baka ayaw nilang mawala sa laot. Kaya yun na ang pagsakay ng jetski.

Idineklara naman ni Duterte ang 50,000 ektarya ng Philippine Rise bilang isang “Strict Protection Zone” para lamang sa mga Pilipino, at tatlongdaang libong ektarya bilang “special fisheries management area”. Walang ibang umaangkin ng Philippine Rise, pero tila interesado pa rin ang China sa lugar na ito. Isang barkong pananaliksik ng China ang paikot-ikot ng Philippine Rise noong isang taon, bagay na unang pinayagan bago nagpahayag na bawal na gawin ito nang walang paalam mula sa gob­yerno.

Pero kung ganyan ang pagiging matigas ni Duterte sa Philippine Rise, wala pa ring pahayag sa China na tanggalin ang mga inilagay na missiles sa ilang nilikhang isla sa karagatan, ang iba ay napakalapit pa sa Pagasa Island at Ayungin Shoal na hawak natin. Wala pa ring balita sa ipinahayag na rehabilitasyon ng mga isla nating binabantayan ng mga sundalo. Sana pala ay naghatid na lang sila ng masarap na pagkain sa Pagasa Island at Ayungin Shoal. Puwede naman siguro gamitin ulit ang mga jetski na iyan, dala-dala rin ang bandila, sa kabilang karagatan. O kailangan muna ng paalam sa China at baka magalit?

PHILIPPINE RISE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with