^

PSN Opinyon

Kasagsagan man ng bagyo, tuloy ang serbisyo publiko

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MGA boss, as you can see I haven’t been talking for the past couple of days at matagal din akong nawala sa ere. Iniisip na siguro ng iba diyan, nabahag ang buntot at naduwag na si Ben Tulfo.

Bakit di raw ako nagsasalita sa isyu at bakit ayaw ko magpa-interview? Well, nasabi ko na’to sa’king programa noong Martes… pinahupa muna namin ang bagyo.

Maraming humingi ng exclusive interview kay ganito, kay ganyan. Lahat tinanggihan ko. Bakit? May tamang panahon at tamang lugar para sa ganito at hindi sa media. Sa hukuman man ‘yan o kung saan, doon kami magpapaliwanag.

Alam n’yo naman ang bagyo, malakas kung humagupit. Malakas ang bulusok pero kalauna’y mawawala rin. Kayo namang iba diyang patuloy ang bukas ng bunganga, sige lang. Go have your field day. Tuloy n’yo lang. I won’t.

Matagal na ang programang BITAG, taong 2002 pa noong magsimula. Wala kaming ibang ginawa kundi kum­prontahin ang mga dorobo’t masasama sa lipunan. Marami nang pinagdaanan ang programa. Takaw atensyon at kontrobersya dahil naiiba. Nag-iisa at walang may kayang gumaya.

Sa gitna ng panggigiba at paninira, patuloy lang kami sa ang aming public service. Lalo na ngayon, mas pinaganda pa namin ang serbisyo-publiko ng Kilos Pronto. Araw-araw, personal kong hinaharap ang mga pumupunta sa aming tanggapan at nagrereklamo. Di tulad ng iba riyan, na puro balita at satsat lang ang ginawa.

Pinakikinggan kong maigi ang mga reklamo’t kwento ng bawat isa. ‘Di ko man mabigyan ng aksyon ang iba, pinapayuhan ko sila para hindi naman masayang ang kanilang pinunta.

Kaya kung may reklamo kayo, pumunta lang kayo sa aming tanggapan. ‘Wag na kayong mag-atubili. Ako mismo ang inyong makakausap.

vuukle comment

BEN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with