EDITORYAL – Sunud-sunod na sibakan
(Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2018 - 12:00am

NOONG nakaraang linggo, sinabi ni President­ Duterte­ na mayroon pang dalawang govern­ment­ officials na sisibakin sa puwesto. Noong Martes, nagkaroon ng katuparan ang kanyang si­nabi. Pero bago ang pagsibak, sinabihan muna niya ang dalawang opisyal na mag-resign para naman hindi kahiya-hiya. Nag-resign nga ang dalawa. Nakilala ang mga opisyal na sina Department of Justice (DoJ) Assistant Secretary Moslemen Macarambon Sr. at Department of Public Works and Highways (DPWH) Tingagun Umpa. Ang dalawa ay kapwa appointees ni Duterte.

Si Macarambon ayon sa pagsisiyasat ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ay na­ma­magitan sa mga nahuhuling smugglers ng ginto at iba pang mamahaling alahas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Si Umpa ay inaakusahan naman ng paghingi ng kickbacks sa mga contractor ng projects sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Mariin namang itnanggi ng dalawa ang akusasyon. Nag-resign umano sila at hindi sinibak ni Duterte. Malinis daw ang kanilang pangalan.

Sunud-sunod ang mga nagre-resign at sinisibak. Hindi pa natatagalan nang mag-resign si Tou­rism Sec. Wanda Teo dahil sa P60 million ad placement sa PTV-4 kung saan may programa ang kanyang mga kapatid. Nag-resign din si DoJ Sec. Vitaliano Aguirre dahil sa kontrobersiyang pagkakaabsuwelto ng confessed drug lord Kerwin Espinosa at iba pa. Nag-resign din ang Labor Undersecretary dahil sa kontrobersiya sa contrac­tualization.

Maraming sinibak si Duterte noong 2017 na may kaugnayan sa magagarbong pagbibiyahe sa ibang bansa at iba pang anomalya sa pagbili ng mga mamahaling equipment. Sabi ng Presidente, basta may naamoy siyang singaw ng corruption sa isang tanggapan, sibak agad. Kaya ang babala niya, mag-resign na kaysa sibakin niya.

Nasisiyahan ang mamamayan kapag may sini­sibak na korap sa pamahalaan. Sana sa pagkawala ng mga korap ay magkaroon ng pagbabago at matikman ng mamamayan ang buhay na walang bahid ng katiwalian.

PRESIDENT­ DUTERTE­
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with