Presyo ng kuryente bumaba, salamat Meralco
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2018 - 12:00am

GANDANG balita! bababa ng 54 sentimos bawat kilowatt hour ang presyo ng kuryente ngayong Mayo.

Aba, malaki-laki ito! Katumbas ng Php109 na tapyas sa bill nating mga kumokonsumo ng average sa 200kwh. Taliwas ito sa inaasahang pagsipa ng presyo dahil sa ma­init na panahon. Anang Meralco, sapat ang supply ng kuryente kaya kahit tumaas ang demand, may pang-salo.

Mabuti rin na na-warningan ang mga suppliers, mga generation companies, na huwag naman sabay-sabay na magbagsakan at mag-shutdown tulad ng mga naka­raang taon. Siguro ay natakot sila sa kamaong-bakal ng gobyerno.

Sana buwan-buwan ay mabantayan ang supply dahil ito pala ang pinakamalaking factor sa pag-galaw ng presyo ng kuryente. Anuman ang dahilan, salamat, dahil malaking tulong ito sa mga customers ng Meralco kagaya ko.

Halos lahat na ng mga bilihin at serbisyo ay nagsipag­taasan ang halaga. At least, sa kuryente man lang ay ma­kabawi tayong mga consumers, di ba?

May ilan pa nga akong kakilala na nag-zero pa nga ang bill nila, dahil na-update ang kanilang bill deposit. Ang Annual Update of Bill Deposit ay programa ng Meralco at lahat ng distribution utilities at electric cooperatives, alinsunod sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers.

Taun-taon ito ginagawa, dahilan kaya nakakatanggap­ ang customers ng bawas sa bill o sa iba naman, dagdag, depende sa average na konsumo. Kung good payer pa, buong refund ng bill deposit ang matatanggap ng customer.

Magandang antabayanan ang update na ito para ma­paghandaan, lalo kung balik-bayad, dahil dagdag-savings na naman.

MERALCO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with