Sino kaya ang isusunod?
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2018 - 12:00am

PINAG-UUSAPAN pa rin ang pagtanggal kay Chief Justice­ Ma. Lourdes Sereno ng walong kasamahan niyang mahistrado sa pamamagitan ng quo warranto­ petition ni SolGen Jose Calida. Patuloy ang debate kung sang-ayon sa Konstitusyon ang ginawa ng walong mahis­trado. Siyempre, kung sila ang tatanungin, maaari raw matanggal ang CJ ng quo warranto petition. Pero marami ang nagsasabi na ang tanging paraan para tang­galin sa puwesto ang CJ ay impeachment, bagay na han­dang harapin ni Sereno, kung natuloy.

Hindi ako abogado, kaya mahirap himayin ang nasa isipan ng walong mahistrado. Kung babasahin ang Kons­titusyon, talagang nakasaad na impeachment lang ang paraan para matanggal ang CJ. Hindi naman maitago ng ilang mahistrado ang kanilang pagkadismaya sa de­sisyon ng walo. Nagpakamatay na raw nang walang da­ngal ang Korte Suprema, ayon kay Associate Justice Ca­guioa. “Legal abomination” naman ang pahayag ni Associate Justice Leonen. Ayon kay Associate Justice Antonio Carpio, kailangang managot ni Sereno sa isang impeachment, at hindi sa quo warranto. Ngayon, tila kahit sino ay puwede nang tanggalin ni Calida sa pamamagitan ng quo warranto. Sino ang susunod na tatanggalin na hindi “kaibigan” ng administrasyon?

* * *

Ano bang meron ang barangay elections at marami ang namamatay? Ayon sa pinakahuling tala ng PNP, 35 na ang namamatay na may kaugnayan sa halalan. Bagama’t mas mababa ang bilang kumpara noong 2013, may mga namamatay pa rin. Ganyan ba kahalaga sa ilang kandidato ang manalo sa kahit anong paraan? 

Nakapagtataka rin na kahit may election gun ban, may mga insidente ng pagpatay. May pinatay na dating­ congressman ng La Union. May pinatay na assistant pro­se­cutor ng Quezon City. Talagang mga sumusunod lang sa batas ang hindi nagdadala ng baril ngayon. Ang mga nagdadala ay ang mga may intensiyong pumatay na nakakalusot sa mga checkpoint ng PNP.   

CHIEF JUSTICE­ MA. LOURDES SERENO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with