^

PSN Opinyon

Huling paalala ni BITAG ngayong eleksyon

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MILYONG Pilipino ang nakatakdang bumoto ngayong araw na ito. Sa simpleng pagmarka sa papel, pasan niyo ang responsibilidad at pananagutan sa kinabukasan ng barangay.

I hate to sound like a broken record, tulad ng mga maiingay na election jingles sa umaga, but let me give one last piece of advice.

Mahirap na. Baka naman iba sa inyo, makamayan lang ni Kap, patay na. O kaya naman, maabutan lang ng kulay asul na papel na may tatlong tao, iboboto n’yo na.

Sa mga huli kong analyses at interviews, I already stressed at erring and narco-politicians. Common sense na ito na alam kong alam niyo, utang na loob – ‘wag iboto ang mga trapo. Marami na kaming nagsabi nito, pati PDEA at DILG.

Nitong campaign period, malalaman at malalaman mo ugali ng mga kandidato. Simpleng pagsunod lang sa campaign guidelines, palpak na.

Pag may nakita kayong kumag na naglagay ng posters na sinlaki ng tarpaulin, dulog n’yo na sa kinauukulan. Sama n’yo na pati ‘yung kung saan-saan lang nagpapaskil ng mga pagmumukha nila. ‘Yung iskul bukol ba dati, kinapalan na ang mukha at tumakbo bilang SK? Sa debate, kung meron man, magkakaalaman kung sino ang alam ang pinasok. 

Marami diyan ang tumatakbo dahil anak ni ganyan, anak ni ganito. Wala namang mali rito maliban doon sa mga gumagawa ng dinastiya ng mga bobo. Nagsama-sama na sa posisyon ang mga demonyo. ‘Wag naman sana magkatotoo.

Qualified ba talaga sila, o marunong lang magsulat at magbasa? Ano bang ginawa, ginagawa at balak gawin para sa komunidad? ‘Pag walang matinong sagot, dispatsa niyo na – hindi literal ha.

With that, I already said enough. May God bless the future of this country and the outcome of the election.

vuukle comment

BARANGAY

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with