^

PSN Opinyon

Tumulong i-report ang mga sangkot sa droga

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING takeaway sa naging diskusyon namin ni PDEA Director General Aaron Aquino nitong nakaraang araw. Pero sa kolum na ito, gusto kong pagtuunan ng pansin ang isa sa kanyang sinabi.

Sa libu-libong barangay na na-clear nila bilang drug-free, halos kalahati ang bumalik sa dating gawi. Aniya, five thousand barangays na ang nasuyod nila at two thousand dito… nag-revert at napasok ulit ng droga.

Nakababahala ang pahayag na ito. Simpleng hokus pokus lang, back to business na ang mga tulak sa mga barangay.

Anong nakikitang problema ng PDEA? Dalawang bagay: Una, walang monitoring system ang mga barangay.

Either tinatamad itong si Kapitan at kanyang mga alipores o likas lang silang mga pabaya. Walang pakialam at hinahayaan lang kumalat ang droga sa lansangan.

Pangalawa, mismong barangay ay involved sa droga. Barangay ang frontliner in fighting illegal drugs, ika nga ni Director Aquino. Paanong matatapos kung sila mismo ang pasimuno?

Mayroon ding mga coddler na indirect ang involvement. Alam ang mga ilegal na aktibidades sa lugar, pero sa hindi malamang dahilan, nagtataingang-kawali.

Nakikita na ang problema, hindi umaaksyon. Tapos ito rin ang mga kandidatong tatakbo ngayong election. 

Coddler na rin ito kung maituturing. When you don’t tell the truth, you suppress it. When you suppress the truth, you are lying.

Panawagan ngayon ng ahensiya, tumulong sa pagpuksa sa salot na ito. Kahit barangay tanod man ‘yan o mayor, huwag mag-atubiling i-report sa otoridad.

I fully support this plan. Mobilize the people to anonymously report illegal or drug activities in their areas.

PDEA cannot do it alone. Anumang impormasyon, kahit maliit, makatutulong sa case build up. Pagsama-samahin para wala nang kawala sa korte ang mga nahuhuli. 

Kung natatakot kayong lumapit sa mga ahensya, pwede n’yo kaming lapitan sa BITAG. I-message n’yo lang kami sa aming mga Facebook pages (BITAG Live, BITAG Multimedia Network), kami na ang bahala.

vuukle comment

AARON AQUINO

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with