^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sinibak pero ibinalik muli

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sinibak pero ibinalik muli

BABALA ni Pres. Rodrigo Duterte basta may ma­amoy lang siyang singaw ng corruption sa alinmang tanggapan ng gobyerno, sisibakin agad niya. Wala na raw tanung-tanong pa. Kaya ang payo niya sa mga gumagawa at naaakusahan ng katiwalian magbitiw na ng kusa kaysa ipahiya pa niya. Tutuluyan daw talaga niya. Dapat nang matigil ang ginagawang katiwalian sa pamahalaan.

Totoo naman ang sinabi niya dahil marami na siyang sinibak sa puwesto. Mabilis ang aksiyon niya kapag nakaamoy ng corruption. Ilan sa mga sinibak niya noong 2017 ay mga Cabinet secretaries na kina­bibilangan nina DILG Sec. Ismael Sueno, Usec. Halmen Valdez at National Irrigation Administration (NIA) administrator Peter Laviña.

Noong nakaraang linggo, sinibak din diumano ni Duterte si Labor undersecretary Dominador Say dahil naman sa isyu ng contractualization pero ayon sa undersecretary, nagbitiw siya sa puwesto para maisalba si Labor Sec. Silvestre Bello III. Bago ang “pagsibak” kay Say, naging kontrobersiyal ang pagbibitiw ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre. Maraming nagsasabing sinibak din siya ng Presidente dahil sa pagkakaabsuwelto ng drug lord na si Kerwin Espinosa at iba pa.

Sabi ni Duterte nang magsalita sa isang pagtitipon sa Davao City, marami pa siyang sisibakin sa puwesto dahil sa katiwalian. At inuulit niya ang babala na kaysa ipahiya pa niya ang inaakusahang corrupt, magbitiw na lang para hindi na makaladkad ang pangalan.

Pero kung gaano siya kabilis sumibak, mabilis din naman niyang ibinabalik sa puwesto ang mga inalis. Gaya ni Jose Gabriel La Viña na sinibak niya noong Pebrero dahil sa mga kuwesti­yu­nableng akti­bidad nito sa Social Security System (SSS). Si La Viña ay campaign manager niya noong 2016 elections. Inilagay niya ngayon si La Viña bilang undersecretary ng Department of Tourism.

Isa pa sa mga kontrobersiyal na Cabinet member na natanggal sa puwesto ay si Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Inakusahan si Faeldon ni Sen. Panfilo Lacson na tumanggap ng P100-million­ “welcome gift”. Itinalaga ngayon si Faeldon sa Office­ of Civil Defense.

Naamoy na ang singaw ng corruption pero bakit may ibinabalik sa puwesto? Kung inalis na, huwag nang ibalik pa.

vuukle comment

PRES. RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with