^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isasara parasa ikabubuti

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Isasara parasa ikabubuti

BUKAS ay sarado na ang Boracay para sa mga turista. Anim na buwan itong isasara para isa­ilalim sa rehabilitasyon at paglilinis. Humigit kumulang, mayroong 46,829 residente ang island resort. Sa pagkakasara ng Boracay, mawawalan ang pamahalaan ng humigit-kumulang na P56-billion na kita sa loob ng anim na buwan. Pero sabi ng Department of Tourism, maaaring mapaikli ang pagsasara ng Boracay at hindi ito aabutin ng anim na buwan. Wala namang sinabi kung gaano kaikli ang pagsasara.

Malaki ang mawawala sa pamahalaan sa pagsasara pero dapat itong tanggapin. Mas mainam na mawalan ngayon ng kita kaysa naman hayaan na masira dahil hindi ni-rehabilitate ang Boracay. Kung hahayaang masira dahil pinagtatapunan ng dumi ng mga iresponsableng may-ari ng resorts, restaurants, hotels at iba pang establishments ang dagat ng isla, mga ilang taon lang at tuluyan na itong masisira. Wala nang magnanais magtungo sa Boracay sapagkat umaapaw na ang dumi sa dagat. Halu-halong dumi ng tao at mga basura ang makikita sa dagat. Tiyak babagsak ang Boracay.

Mabuti nga na nakita ang karumihan ng Boracay ngayon sapagkat maisasalba pa. Kung hindi pa si President Duterte ang pumuna sa maruming tubig sa Boracay, maaaring walang mangangahas ipatigil ang operasyon ng island resort.

Sinabi ng Presidente na mistulang “cesspool” ang karagatan ng Boracay. Ang “cesspool” ay ka­­singkahulugan ng poso-negro. Ibig sabihin, imbakan ng dumi ang karagatan ng Boracay. Kakadiri na ang pinaglulunuyan ng mga turista ay poso-negro. Nagbanta si Duterte na ipasasara niya ang Boracay kapag hindi ito nilinis at ginawa nga niya. Kumilos si DENR Sec. Roy Cimatu at pinagigiba ang mga illegal structure sa isla. Kung hindi pa nagbanta ang Presidente, hindi kikilos si Cimatu.

Bukas sarado na ang Boracay. Kailangan ito para maisalba ang isla sa pagkasira. Para sa ikabubuti kaya pansamantalang isasara. Maging leksiyon ito sa mga iresponsableng may-ari ng establishments sa Boracay. Matuto na sila sa ginawang pagmamalabis sa isla.

Related video:

vuukle comment

BORACAY ISLANDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with