EDITORYAL - Nasaan, listahan ng candidates na sangkot sa illegal drugs
(Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2018 - 12:00am

MARAMI ang humabol kahapon sa pagpa-file ng certificate of candidacy para sa barangay at Sangguniang Kabataan. Ayon sa Commission on Elections (Comelec), mahigit 600,000 ang natanggap nilang COCs. Magsisimula na sa isang linggo ang kampanya ng mga kandidato. Paalala sa mamamayan na maging maingat sa pagboto at baka ang mailuklok ay sangkot sa illegal na droga.

Maraming barangay officials ang sangkot sa ipinagbabawal na droga. Mayroong barangay chairman na pinuprotektahan ang mga drug pushers. Mayroong barangay kagawad na ang bahay ay ginagawang drug den at mayroong sa mismong bakuran ng barangay hall nagkakaroon ng transak­siyon sa droga.

Si President Duterte mismo ang nagsabi na 80 porsiyento ng barangays sa bansa ay drug infested. At sinabi rin niyang maraming barangay officials ang sangkot sa droga. Ang senaryong ito ang naging dahilan kaya dalawang beses niyang sinuspende ang barangay elections, una ay noong Oktubre 2016 at ikalawa ay noong Nobyembre 2017. Ayon kay Duterte, ayaw niyang magamit ng mga tatakbong kandidato sa barangay ang drug money kaya sinuspende niya ang election. Tiyak na magpapakawala ng pera ang drug syndicates para manalo ang kanilang kandidato.

Para lubos na maipaunawa ng Presidente ang kanyang kampanya laban sa droga, sinabi niyang mayroon siyang listahan ng mga barangay officials sa bansa na sangkot sa droga. Marami umano ang nasa listahan at isisiwalat niya ang mga ito.

Sabi naman ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency na mayroon silang listahan ng mga barangay officials na sangkot sa drug trade. Ayon sa PDEA, umaabot sa 274 barangay officials ang nasa kanilang listahan.

Ano pa ang hinihintay ng PNP at PDEA? Ilabas na ang listahan ng mga opisyal na sangkot para mabigyang babala ang mamamayan. May panahon pa para magmuni-muni ang voters sa kanilang ihahalal sa barangay.

COMMISSION ON ELECTIONS ERTIFICATE OF CANDIDACY SANGGUNIANG KABATAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with