^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kapag sinibak na, ’wag nang italaga pa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Kapag sinibak na, �wag nang italaga pa

BANTA ni President Duterte, kapag nakaamoy daw siya ng “singaw” ng corruption sa isang tanggapan, sisibakin agad niya ang hepe roon. Wala nang kuwestiyun-kuwestiyon. Kaya ang payo niya sa mga opisyal na naaakusahan ng corruption, magbitiw na sa puwesto kaysa ipahiya pa niya. Kahit siya ang naglagay sa mga ito sa puwesto sisibakin niya.

Noong nakaraang linggo, may sinibak na naman siyang mga opisyal ng gobyerno. Inihayag niya ang pagsibak sa isang meeting sa Malacañang. Hindi niya sinabi ang mga pangalan ng sinibak sa puwesto, pero ang mga ito raw ay sumuporta sa kanya noong presidential elections at ilan din dito ang nag-udyok sa kanyang tumakbo.

Halos kasabay ng kanyang paghahayag na mayroon siyang sinibak na mga opisyal, nagbitiw naman si Labor undersecretary Dominador Say. Ayon kay Say, nagsumite siya ng resignation kay Duterte noong Abril 9. May kinalaman umano sa contractualization o “endo” ang dahilan ng kanyang pagbibitiw.

Marami nang sinibak si Duterte at marami pa raw sisibakin lalo pa’t sangkot sa korapsiyon. Totoo ang kanyang pangako noong nangangampanya pa lamang at maging nang nakaupo na sa Malacañang na basta may sumingaw, sisibakin niya. At ito ang ginagawa niya ngayon.

Pero mas maganda sana kung ang mga sinisibak o ang inaalis sa puwesto ay hindi na muling ilalagay o itatalaga. Halimbawa’y si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na matapos tanggalin ay inilagay uli sa ibang puwesto. Inalis si Faeldon dahil sa milyong pisong shabu shipment na nakalusot sa Custom. Mas mainam na kung inalis na ang corrupt, huwag na itong ilagay pang muli. Hindi na kailangang ibalik pa ang nabahiran ng corruption. Magiging mantsa rin ito sa ipinatutupad na paglilinis sa mga corrupt sa pamahalaan.

vuukle comment

CORRUPTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with