^

PSN Opinyon

Bumaba ang krimen sa La Union

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MATINDI ang pinakitang kasipagan ni Supt. John Kawi Guiagui sa San Fernando, La Union. Mula nang pamunuan ni Guiagui ang San Fernando Police nagiba na ang pananaw ng mga residente roon. Kaya ang krimen ay bumaba at ang paglaganap ng droga ay napigilan dahil mismong mga residente roon ang nagngunguso sa drug pushers at users. Hindi lamang San Fernando, La Union ang tinitingala ngayon kundi pati ang Pangasinan at Ilocandia na pinakaligtas na lugar sa buong bansa. Malinaw na magaling ang Regional Director na si Chief Supt. Romulo Sapitula pagdating sa trabaho. Naging saksi ako sa trabaho si Sapitula noong dekada 90 sa Manila Police District kaya alam ko ang kanyang magagandang trabaho. Kaya kahit na saan man lupalop man ng Luzon siya maitalaga, may legacy siyang iniiwan.

Si Guiagui ay nahubog nang husto sa magandang trabahong minana niya kay Sapitula na itinuturing niyang ama sa Philippine National Police. Kaya wala siyang kapaguran sa pagganap sa sinumpaang tungkulin upang mabigyan ng tamang seguridad ang sambayanan. Marami siyang parangal na tinanggap tulad ng Medalya ng Papuri ni Sapitula matapos maaresto ang drug pusher at notorious gun runner sa San Fernando, La Union. Si Guiagui rin ang kauna-unahang nagpagawa ng Police Unified Service Office (PUSO) sa San Fernando, La Union upang mabigyan ng serbisyong  ang mga matatanda at persons with disability. Ang naturang gusali ay one stop shop kaya hindi na mahihirapan pa ang mga matatanda at may kapansanan nating mga kababayan sa pagkuha ng police clearance, reklamo at tulong imbes­tigasyon. Ang pag-renovate ng Poro Police Community Precints ay naisakatuparan ni Guiagui. Ito palang Poro PCP ay di-napagtuunang ipagawa sa loob ng 10 taon. Subalit nga­yon naging kaaya-aya na ang kaayusan nito at nakaka­pagbigay na ng magandang serbisyo ang mga pulis.

Ang Golden Mosque Compound na pinaghihinalaang pinanggagalingan ng droga na hindi mapasok ng mga pulis ay naging matahimik. Ito’y matapos na regular na pakiki­pag-usap ni Guiagui sa mga kapatid nating Muslim. Nagbu­nga ang pagkikipagpulong ni Guiagui kung kaya sa pakiki­pagtulungan ng mga kapatid nating Muslim, nahuli ang mga nagpapakalat ng droga at armas sa compound. At upang matulungan ang drug surenderees, tinutukan ni Guiagui ang pagrehab nito, bukod pa riyan ang pagbibigay ng livelihood upang kahit papaano’y may kinita ang mga ito nang may maitustos sa mga naapektuang pamilya.  “Through our little means the San Fernando City police station find ways how to help our drug surrenderers not only on their rehabilitation, monitoring but also their livelihood as they will be paid doing the repainting of Ilocanos PCP, your manong and manang pulis at CSFPS will always be here as you begin a new chapter of your life,” sabi ni Guiagui. Kaya sa mabuting ipinakita ni Guiagui, lahat nang programa nito ay sinuportahan ng LGUs. Ayon pa kay Guiagui “Dahil sa ating pagsusumikap na mabigyan ng sapat na kakayahan ang San Fernando City Police Station na rumesponde ng mas mabilis at makapagronda ng mas madalas, isa na namang motorsiklo ang naibigay sa atin dahil sa pagsuporta ng Sanggunian Panlungsod sa Pamumuno ni Vice Mayor Alf Ortega. Nadagdagan na ng tatlong motorsiklo mula po nung dumating tayo. Muli mula sa San Fernando City Police Station Maraming salamat.”

Nitong nakalipas na mga araw naaresto ng mga tauhan ni General Sapitula, sa pangunguna ni San Fernando City Police chief Supt. Guiagui, ang tinaguriang high value targets (HVTs) ng Parojinog group na sina Manuelito Francisco, Rizalina Francisco at Jun Francisco, sa isang checkpoint sa San Fernando, La Union. Wanted umano ang tatlo sa kasong illegal possession of firearms, ammunition and explosives. Marami pang aabangan kay Guiagui mga suki. Abangan!

vuukle comment

SUPT. JOHN KAWI GUIAGUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with