_ngayon
^

Tapos na ang Semana Santa

PILANTIK - Dadong Matinik (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2018 - 12:00am

Ngayon matatapos ang Semana Santa

mga Katoliko tiyak magsisimba;

Sa harap ng altar ay magkakaisa:

Ang hirap ni Hesus ay nalampasan na!

 

Si Inay at ako’y naghangad tumulong

pagpasan ni Hesus ng krus na kahoy;

Kasabay ng hangad taimtim na bulong

mahango sa dusa buhay namin noon!

 

Kasi kami noon ay lubhang hikahos

sa kanin at ulam halos kinakapos;

Wala na si Amang sa ami’y kumukupkop

mga kapatid ko’y may sariling kayod!

 

Sa tulong ng dasal kung Mahal na Araw

maralitang buhay ay nagbago naman;

Sa asawa’t anak gumanda ang buhay

pero ang malungkot wala na si Inay!

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with