^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Regular na fire drill, isagawa ng BFP

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Regular na fire drill, isagawa ng BFP

ANUMANG oras ay sumisiklab ang sunog. Wala itong ipinagkaiba sa lindol na kadalasang malagim ang resulta. At ang kawalan ng kahandaan sa pagsapit ng sunog ang dahilan kaya marami ang napapahamak. Dito kailangan ang regular na fire drill para maiwasan ang kapahamakan. At walang dapat magsimula nito kundi ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Mula nang ideklara ang Fire Prevention Month ngayong Marso, mahigit 100 sunog na ang naganap sa buong bansa at ilan dito ay malagim. May mga namatay at malubhang nasugatan. Maraming ari-arian ang napinsala.

Isa sa mga grabeng nasunog ay ang Manila Pavilion Hotel sa United Nations Avenue sa Maynila na ikinamatay ng anim na tao. Pawang mga empleado ng Pagcor ang namatay. Karamihan sa namatay ay dahil sa suffocation. Hindi sila nakalabas sa kinaroroonan sapagkat wala nang makita dahil sa usok. Ayon sa mga nakaligtas, nahirapan silang makalabas. Ang ilan kailangan pang tumalon para maka­takas sa sunog kaya nagkaroon ng pilay sa paa at binti.

Hindi pa lubusang mabatid ng BFP kung ano ang pinagmulan ng sunog. Sabi ng mga occupant ng hotel, mayroon daw nagwe-welding sa bahagi ng hotel at maaaring ang spark ng welding ang pinagsimulan ng sunog. Itinanggi naman ng pamunuan  ng hotel ang report.

Sabi pa ng mga guest, hindi raw nagpa-function ang sprinklers ng hotel. Wala rin daw silang nari­nig na fire alarm. Nalaman na lamang daw nila na may nasusunog nang pumapasok na ang usok sa kanilang room.

Kung ang malaking hotel na gaya ng Pavilion ay hindi ligtas sa sunog, mas lalo naman ang mga dormitoryo at boarding house na laging punumpuno ng mga estudyante. Karamihan sa mga ito ay hindi na naiinspeksiyon ng BFP kaya maaaring nalalabag na ang batas.

Kaya ang isa sa dapat isulong ng BFP ay ang pagkakaroon ng regular na fire drill para maihanda ang mamamayan. Magdaos ng fire drill sa mga school para mayroong alam ang mga estudyante. Ang kawalan ng nalalaman ang nagiging dahilan nang malagim na trahedya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with