^

PSN Opinyon

Palitan ng salita pa lang

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG gumaganda na ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China, bakit ganito pa rin ang dinadanas ng mga eroplano natin? Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana mismo, binabalaan pa rin ng China ang mga eroplanong lumilipad sa South China Sea. Pumapasok daw ang mga eroplano sa Chinese airspace kaya binabalaan. Sinasagot naman daw ng mga piloto natin na lumilipad sila sa teri­toryo ng Pilipinas. Nagpapatuloy naman ang mga eroplano sa kani-kanilang destinasyon. Pero ganito nga ang ginagawa ng ating bagong “kaibigan”.

Matagal ko nang alam na binabalaan talaga ng China ang anumang eroplano na dumaan sa kanilang inaang­king teritoryo. Mga piloto mismo ang nagsasabi na sini­sita sila ng China kapag lumilipad sa rehiyon. Sinasagot lang daw nila na “international airspace” ang kanilang liniliparan, at nagpapatuloy. Wala pa namang insidente na sinundan o tinabihan sila ng eroplanong pandigma ng China. Sana hindi umabot sa ganyang sitwasyon.

Ang mga nilikhang isla ng China sa South China Sea ay maaaring magamit ng kanilang militar sa anumang oras. May tatlong isla na may mga mahahabang paliparan kung saan maaaring lumapag ang kanilang malala­king eroplano. May mga radar na nga ang halos lahat ng mga isla. Hindi pa matiyak kung may mga mas hi-tech na sandata, tulad ng mga missile. Malinaw na may kanyon ang ibabaw ng gusali sa isang isla. Para saan ang kanyon kung pang gamit-sibilyan daw ang mga isla?

Sa ngayon ay puro palitan ng salita lang ang nagaganap, ayon kay Sec. Lorenzana. Pero hindi pa natin­ alam kung ano ang gagawin ni Pres. Xi Jinping ng China, ngayong binoto muli at tinanggal ang termino ng pa­ngulo. Baka magbago ang ihip ng hangin, ngayong napakamakapangyarihan ang kanyang posisyon. Nagbigay na nga ng babala sa Taiwan. Walang teritoryo ng China ang dapat mahiwalay sa inang bayan, ayon kay Xi Jinping. Kung ganito ang kanyang babala sa Taiwan, may babala na rin kaya sa South China Sea?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with