^

PSN Opinyon

Tag-init, narito na

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

NARARAMDAMAN na ng bawat isa sa atin ang maalinsangang panahon lalo na dito sa Metro Manila. Sumapit na ang summer season na paboritong buwan ng mga estudyante. Marami sa kanila ay nagsisipagbakasyon sa mga probinsya at ang mga maykaya sa buhay sa ibang bansa ang punta. Mag-ingat dahil kahit summer ay marami ring umaatakeng sakit tulad ng heat stroke, bungang araw, sore eyes at sunburn para sa mga mahilig magpunta sa mga ilog at dagat. Ugaliing uminom ng tubig, puwede ring kumain ng pakwan, melon at singkamas habang panahon ng pamumunga at mura pa.

Habang painit nang painit ang panahon masarap ang magbakasyon. Tayong mga taga-Metro Manila ay madalas tinatakasan ang siyudad dahil sa tindi ng dinaranas nating init ng panahon. Sigurado ako ngayong darating ang Mahal na Araw, maramng maghahanap ng lugar na pagbabakasyunan at pagninilayan. Isa na riyan ang summer capital ng Pilipinas. Mapupuno na naman ng tao ang Baguio City dahil hindi nararamdaman ang summer. Malamig ang klima. Pumapangalawa ang mga beaches.

Kaya lang ngayon mukhang nagkakaproblema tayo sa dalawang paboritong puntahan ng ating mga kababa­yan at ng mga dayuhan. Ang Boracay Island at El Nido Palawan. Kundi man kasi lumabag ang mga negosyante hindi sana magkanda-letse-letse ang kanilang mga negosyo. At pag inabot ng topak si President Digong ipasara ang Boracay at aayusin ng isang taon. Ang El Nido naman ay halos sakupin na ng mga negosyante ang dagat kaya ayan nasilip ng DENR.

Walang ibang dapat sisihin sa mga problemang yan kundi ang LGU. Sana bago kayo nag issue ng permit ay dumaan muna sa inspection ang mga building na pinatayo. Kung kailan malaki na ang problema saka kayo nag­ngangangawa.

Huwag babuyin ang magagandang pasyalan sa ating bansa upang lalo pang makapang-akit ng mga turista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with