^

PSN Opinyon

Nakalusot sa bitay

IKAW AT ANG BATAS - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

ANG totoong paratang ay pinapatunayan ng nakasaad sa reklamo at hindi ng titulo nito o ng listahan ng batas na nilabag. Ito ang desisyon sa kaso ni Tonyo at ang da­hilan kung bakit nakaligtas siya sa death penalty sa kabila ng krimen na kanyang ginawa.

Kasal si Tonyo kay Rita at may anim na anak sila, sina Tanya, Pete, Dina, Jenny, Pablo at Andy. Nakatira ang pamilya sa isang dalawang palapag na bahay sa Visa­yas. May tatlong kuwarto ang bahay, isang kuwarto sa ika­lawang palapag at dalawa sa baba. Si Tanya ang pinakamatanda at pinakamaganda sa magkakapatid. Marami siyang manliligaw at hindi ito nagustuhan ni Tonyo. Laging ginugulpi ni Tonyo ang anak lalo noong piliin ang dalaga na maging Reyna Elena ng kanilang barangay at kasama ang isang manliligaw, si Lando, bilang konsorte. Lalong nagalit si Tonyo at minsan ay hinubaran ang anak para sukatin lang ang dibdib at ari nito. Nang isumbong ni Tanya kay Rita ang kababuyan ng ama ay hindi ito umamin o tumanggi man lang. Dalawang beses tuloy naglayas ng bahay si Tanya noong nasa elementarya pa siya. 

Isang gabi, habang tulog na ang buong pamilya, na­tulog na rin si Tanya na suot lang ang shorts at sleeveless na blusa lang sa isa sa mga kuwarto sa baba katabi ng dalawang kapatid na babae. Bandang hatinggabi, pumihit pakaliwa si Tanya pero hindi niya magawa. Nagulat siya nang makita ang tatay na si Tonyo na tinatali ang kanang kamay sa poste ng kama. “Tay” lang ang kanyang nasabi bago pinasakan ang kanyang bibig at makapagtanong. Tinali pa ang kanang binti niya sa kama. Pinatay ang mga ilaw at inundayan siya ng suntok bago walang awa siyang ginahasa ni Tonyo. Napaluha na lang si Tanya sa sinapit niya. Imbes maawa sa anak ay tinakot pa siya nito na huwag magsusumbong sa nanay niya o kahit sa mga kaibigan.

Kinabukasan, pag-alis ni Tonyo, agad na nagsumbong si Tanya sa ina. Pumasok sa kuwarto si Rita para makinig sa kanyang kuwento pero lumabas na nakangiti at ang buong akala ay inimbento lang niya ang lahat.  Hindi nito mapaniwalaan ang ginawa ng asawa. Kaya tatlong beses pa naulit ang paggahasa ni Tonyo kay Tanya. Noong birthday ni Tanya, hinawakan siya sa hita, dibdib at ari sabay tinakot na huwag aalis ng bahay.

Sumunod na buwan, tumira ang pinsan ni Tanya na si Evelyn sa kanilang bahay. Nang malaman na maaaring pagkatiwalaan ang pinsan, isinumbong niya rito ang ginagawang pang-aabuso sa kanya ng ama at ang masaklap na katotohanan na ayaw maniwala ng kanyang ina at mga kapatid na babae. Ang payo nga raw sa kanya ay tumahimik na lang para makaiwas sa bugbog ng ama. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with