^

PSN Opinyon

Bagong sandata

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

WALA talagang makapaniwala sa aksiyon ng DOJ na ilagay sa witness protection program (WPP) si Janet Lim-Napoles, kahit ano pang paliwanag ng DOJ na hindi siya lubos na pasok sa WPP. Ano pala ang hindi lubos na pasok sa WPP? Pagkatapos niyang magtututuro ng mga kritiko ng administrasyong Duterte ay hindi na siya pasok sa WPP? Si Napoles ba ang pinakamaliit ang sala sa PDAF scam? Hindi ba siya ang utak? Baka hindi na naman alam ni Aguirre kung anong ginagawa ng mga prosekyutor sa ilalim niya? Hindi ba’t ipinahayag ni Aguirre na hindi raw siya sinusunod ng mga prosekyutor?  

Ayon naman kay Sec. Andanar, kung walang sala, anong takot daw kay Napoles? Hindi raw mahalaga kung “least guilty” o “most guilty”, ang mahalaga raw ay lumabas ang katotohanan. Malinaw na hindi alam ni Andanar ang pro­seso ng WPP. Kung ganun pala, gawing state witness na rin ang lahat ng kinasuhan sa pagpatay kay Horacio Castillo III, at magturuan na lang silang lahat sa korte. Hindi naman pala mahalaga kung sino ang gagawing state witness kay Andanar. At gaano kasigurado na katotohanan ang anumang sasa­bihin ni Napoles, ngayong niyakap na siya ng gobyerno? 

Ito nga ang basa ng lahat. Na gagawing sandata si Napoles laban sa mga kalaban ng gobyerno, tulad ng pagga­mit sa mga nakakulong at kilalang kriminal laban kay Sen. De Lima. Pabor para sa pabor, ika nga. Nabasura na nga ang mga kaso laban kina Peter Lim at Kerwin Espinosa, habang nakakulong pa rin si De Lima.

Si Sen. Koko Pimentel, isang kaalyado ni Presidente Duterte, mismong nagpahayag na isa raw “unbelievable, crazy development” ang paglagay kay Napoles sa WPP. Baka may gustong sabihin si Andanar sa kanya. Tila binura nga ng administrasyong ito ang mga nagawa laban kay Napoles, ang kilalang utak sa likod ng PDAF scam. Nakalabas na ang dalawang senador na dawit umano sa PDAF scam. Baka may mga bagong pumalit sa kanila, kapag sinabi na ni Napoles ang kanyang mga bagong pahayag.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with