^

PSN Opinyon

NAIA, kasama sa top 10 sa ‘World’s Most Improved Airport’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang pinarangalan bilang ‘World’s Most Improved Airport’ ang dating tinaguriang isa sa ‘most worst airport in the world’ ang NAIA kaya sa pangyayaring ito ay napabilib tayo kay MIAA general manager Ed Monreal mahigpit na monitoring, implementation, at sa magandang ginawa nito sa paliparan.

Ang NAIA, ay binigyan ng hindi birong parangal ngayon 2018 Skytrax World Airport Awards sa Stockholm, Sweden, kaya naman marami ang hindi halos makapaniwala sa natanggap na award.

Ika nga, pang sampu sa top 10 ang NAIA!

Kaya naman napabilib tayo kay Monreal na dating Cathay Station manager dahil siguro kapa niya ang pulso ng mga pasahero at maging mga taga - Cathay ay salat niya ang mga problema.

Hindi kasi biro ang Cathay Airlines isa ito sa pinakamaganda, pinakama-ayos mag-serbisyo sa mga pasaherong sumasakay dito.

Sabi nga, kaya walang umaangal!

Iba talaga kapag sanay kang mag-manage ng madlang people kapa mo sila sa body language pa lang ang alam mo na ang ibig sabihin.

“Hindi katulad noong nakaraan administrasyon lahat ng mga kapalpakan ay nangyari sa NAIA tulad ng tanim-laglag bala, mga nakakapasok na mga undesirable people sa loob ng rampa ng paliparan, mga nahuhulog na construction materials sa mga pasaherong kumakain, nagbabaha ang 4th floor na kung iisipin ay nakakapagtaka at ang ambush mismo sa arrival curb side na ikinamatay ng ilang people sa NAIA terminal 3 kabilang ang isang bata.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami kasing kababalaghan ang mga nangyari noong nakalipas na administrasyon na hindi binigyan halaga ng mga naka-upo dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi katulad ni Ed na gumagala, umiikot, para mag-inspeksyon hindi lang sa isang terminal kung hindi sa apat na terminals ng NAIA.

Sabi nga, mainit man o hindi ang panahon makikita mo si Ed na palakad-lakad at halos lahat na yata ng madlang people sa bawat terminal ng NAIA ay kinakausap para tanungin kung may mga problema bang dapat na maitulong ang pamunuan ng MIAA.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa 4th floor nagbabaha hindi sa ground floor?

Ika nga, only in the Philippines my Philippines.

Ang mga binitbit pa na mga opisyal dito nang dating administrasyon ay nasabit sa sexual harassment at lagayan blues.

Anyare?

Ayon nag-resign ang mga manyakis para hindi na mapahiya ng husto. Hehehe!

Sabi ni Monreal, sana ang mga ganitong award sa NAIA ay mapanatili nila kaya humihingi ito ng tulong hindi lamang sa kanyang mga tauhan kundi pati na rin sa mga pasahero upang maabot nila ang tugatog ng tagumpay.

‘Para ito sa Philippines my Philippines !’ tirada ni Ed.

Sa listahan na ipinalabas ng Skytrax World Airport Award sa Passenger Terminal Expo na ginanap sa Stockholm, Sweden, pang-sampu sa top 10 list ang NAIA kasama nila dito ang mga airport sa Houston Interncontinental sa number 9,Moscow Shereetyevo, number 8, Montreal, no. 7, Nadi no.6, Athens no. 5, Taiwan Taoyuan no. 4, Calgary no 3, Perth no 2 at ang pinaka-improved airport sa buong mundo ay ang Rome Fiuumicino Airport.

Ang galing hindi ba!

Batay sa resulta ng survey na ginawa sa 13.73 milyong respondents sa 100 nationalities na mga airline customers sa 550 international airports sa buong mundo noong Agosto 2017 hanggang Pebrero 2018.

Ginawa ang survey sa tatlong magkaka-ibang lengguwahe tulad ng English, Spanish at Chinese.

Napagalaman, ang Skytrax World Airport Awards ay ang prestihiyoso at pinakamalaking global airport consumer satisfaction survey na ginagawa every year.

Natutuwang pinasasalamatan ni Monreal sa million of passengers na nagbigay ng oras para ibahagi ang kanilang karanasan sa NAIA sa mga  ginawang survey.

“We are only as good as our last accomplishment. The bigger challenge now is how to sustain it, Their testimonies serve as inspiration for us to believe that change is not impossible even in the midst of trials,” sabi ni Monreal.

Congrats and blow out. hahaha!

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with