^

PSN Opinyon

Nakakalungkot

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPAKALUNGKOT nang sinapit ng isang pamilya sa Plaridel, Bulacan. Nanananghalian ang pamilya Dela Rosa nang mabagsakan sila ng eroplano na kati-takeoff lang mula sa paliparang malapit. Patay ang limang mi­yembro ng pamilya, habang patay rin ang limang sakay ng eroplano. Sumabit umano ang eroplano sa linya ng kuryente, dahil hindi maayos ang pag-takeoff nito. Iniim­bestigahan pa ang aksidente. Hindi na muna pinalilipad ang ibang eroplano ng kumpanyang Lite Air habang may imbestigasyon sa nangyari. Inaalam kung bakit hindi nakaakyat nang maayos ang eroplano at sumabit sa linya.  

Natatandaan ko ang pagbagsak ng Aerolift sa tabi ng aming bahay sa Merville noong 1990. Umaga nang maganap ang aksidente. Binagsakan ng eroplano ang bahay sa tabi namin, kung saan may pamilyang Hapones na natutulog. Namatay ang 21 pasahero ng eroplano, habang patay din ang apat na miyembro ng pamilya sa bahay na binagsakan. Natatandaan ko na ang nakaligtas lang sa bahay ay ang kasambahay at ang aso. Hindi ko makakalimutan ang nakita ko nang umakyat kami sa bubong ng bahay namin. Ang buntot ng eroplano na lang ang natira, habang nagkalat ang mga sunog na katawan sa baba. Walang may gusto ng mga aksidenteng ito, pero nangyayari nga. Ito ang mga panganib ng pamumuhay sa tabi ng isang paliparan.

Matagal nang isyu sa Civil Aeronautics Administration of the Philippines (CAAP) ang pagpapatupad ng mga lugar kung saan walang naninirahan malapit sa mga paliparan. Ilang eroplano na rin ang bumagsak sa mga mata­taong lugar. Noong 2011, isang eroplano ang bumagsak sa komunidad ng mga informal settlers sa Parañaque. Patay ang mga sakay ng eroplano at ilan pa sa pinagbagsakan, kasama ang ilang bata. Namatay naman ang piloto nang bumagsak ang pribadong eroplano sa Merville din noong 2007. Sa tingin ko hindi talaga mapapatupad ang nais ng CAAP. Hindi madaling magpaalis ng maraming tao. Hindi rin madaling gawin ang paglipat ng paliparan. Ang kailangang gawin ay mag-ingat na lang ang mga piloto, at siguraduhing pirming nasa maayos na kundisyon ang mga eroplano. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with