^

PSN Opinyon

‘Proud to be QCPD’

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SA limang police district sa Metro Manila, nangingibabaw ang Quezon City Police. Halos araw-araw nangingibabaw sa pahayagan, radyo at TV ang kampanya nila sa illegal na droga. Patunay lamang ito na hindi tutulug-tulog sa pansitan ang mga tauhan ni QCPD director C/Supt. Guillermo Eleazar. Ngunit hindi naman ito maisakakatuparan ni Eleazar kung malamya siya. Sa katunayan, 200 pulis na ang kanyang sinibak sa serbisyo at ang ilan sa mga ito ay ipinatapon niya sa magugulong lugar sa Mindanao matapos makasuhan sa pangongotong, pagmamalabis sa tungkulin at ang pagkasangkot sa bentahan ng droga.

Malinaw na mabangis at makatao ang pagpapatupad ni Eleazar ng internal cleansing sa kanyang mga tauhan. Kasi nga kung sangkaterba man ang kanyang sinibak at pinatapon mas umangat naman ang kredibilidad ngayon ng QCPD sa imahe ng Philippine National Police. Patunay diyan ang sunud-sunod na mga parangal na tinamasa ng QCPD ngayon. Kaya akma ang slogan na “Proud to be QCPD”. Ngunit hindi nagtatapos sa slogan sa kampanya ni Eleazar, bukod kasi sa gawa gusto pa ng mga rank and file na magkaroon ng “credo’’ na araw-araw nilang isusumpa sa sarili, sa isa’t isa, sa mga mamamayang pinaglilingkuran at sa Diyos. Nais kasi ni Eleazar na baguhin ang kultura ng pulisya at ibalik sa tunay na serbisyong makatao, pangarap din ni Elea­zar na maging “elite” ang QCPD sa buong organisasyon.

Paninindigan ni Eleazar ang “QCPD Credo I am Proud To Be QCPD. A proud member of the Quezon City Police District Always ready to serve and protect my community I will do my duty to the best of my ability, never settling for mediocrity, apathy or arrogance. I will serve beyond the call of duty, giving supreme dignity to my badge and uniform. I will be careful with my actuations and reject any act that may cause damage to the good name of QCPD. I will provide police presence in the streets all the way to the hearts of the people of Quezon City”.

Umangat nang umangat ang QCPD kaya dapat lamang na pasalamatan si Eleazar. Sa magagandang trabahong ipinamalas ni Eleazar ang tagumpay nito ay tatamasahin ng mga residente ng Quezon City.  Kasi nga walang dahilan na magpatumpik-tumpik ang mga miyembro ng QCPD dahil nakamata sa bawat kilos nila si Eleazar. Sa panahon pa kaya ngayon na doble na ang itinaas ng kanilang sahod dapat lamang na suklian nila ng tamang serbisyo nang matuwa naman sa kanila si Pres. Rodrigo duterte. Nitong nakaraang araw lamang, nalambat ng mga tauhan ni Eleazar ang dalawang high profile party drug pushers matapos ang mahigit na isang buwang pagsusubaybay. Nakakumpiska ng P175k  na party drugs ecstasy at cocaine kina Kevin Contes at Chretien Deryck Angele sa isinagawang operasyon sa apartelle ng suspek sa Bgy. Doña Imelda. Ang walang humpay na pagsalakay sa hideout ng mga pusakal sa QC kung saan naaresto ang no.1 Most Wanted person ang dahilan kaya bumaba sa 44% ang kriminalidad sa lungsod mula nang umupo si Eleazar sa QCPD. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with