^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Customs at BIR employees i-lifestyle check na!

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Customs at BIR employees  i-lifestyle check na!

KAHIT na nagbabanta si Pres. Rodrigo Duterte sa mga corrupt sa gobyerno na sisibakin niya ang mga ito, marami pa rin ang hindi nasisindak sa kanya. Marami pa ring gumagawa ng katiwalian at mas matindi pa nga.

Gaya sa Bureau of Customs (BOC), patuloy pa rin dito ang corruption. Mayroon pa ring “tara” kahit na sinabi ng Customs Commissioner Lorenzana na wala na. Nagpaparte-parte pa rin ng “tara” ang mga corrupt na opisyal at empleado ng Customs.

Ganito rin ang nangyayaring corruption sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Ngayong malapit na naman ang pagpa-file ng income tax return, magiging busy na naman ang mga “matatakaw” sa BIR.

Kamakailan, sinabi ng Department of Finance na isasailalim nila sa lifestyle check ang 70 empleado ng BIR. Sandamakmak daw ang ari-arian ng 70 empleado kaya dapat nang isailalim sa lifestyle check. Pero hanggang ngayon, wala pang update kung naisailalim na sila sa lifestyle check.

Ayon sa report, may mga empleado sa BIR na kahit sumasahod lamang ng P80,000 sa loob ng isang taon ay nagmamay-ari nang maraming lote. Ayon sa isang opisyal ng DOF, hindi kakayanin ng BIR employee na may suweldong P80,000 yearly na bumili ng lote.

Nararapat i-lifestyle ang mga empleado ng BIR. Maraming corrupt sa nasabing ahensiya pero hindi nabubulgar sapagkat sila-sila ang nagtatakipan.

Sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte na wawalisin niya ang mga corrupt sa pamahalaan. Sabi niya noon, may maamoy lamang siyang “singaw” ng corruption sa tanggapan ay sisibakin niya ang mga pinuno roon. Huwag na raw hintaying siya pa ang magpahiya sa mga inirereklamong opisyal at empleado ng pamahalaan. Magbitiw na lang daw sa puwesto ang mga ito.

Seryoso ang Presidente na mawala ang corruption kaya naman dapat tumalima ang mga pinuno ng tanggapan  para linisin ang kanilang department.

Nararapat nang umpisahan ng Customs at BIR ang paglilinis sa kanilang mga tauhan. Ipakita na sinusuportahan nila ang kampanya ng Presidente laban sa pagwasak sa katiwalian.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

PRES. RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with