^

PSN Opinyon

Hilaw pa si Bong Go

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

KONTING himas pa at mapapasagot nang “oo” si Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go bilang senatorial candidate ng administrasyong Duterte sa 2019 election. Marami nang nagpapahiwatig ng suporta lalo na sa mga kapwa Cabinet members. Dati kapag siya’y tinatanong lagi niyang sinasabi ayaw niyang tumakbo pero biglang nagbago ang ihip ng hangin ngayon bahala na raw si President Digong kung siya’y patatakbuhin sa Senado. Kahit si Davao City Mayor Sara Duterte ay nagbigay na rin ng suporta kay Bong Go.

Para sa akin hilaw pa si Bong Go kung Senado agad ang pupuntiryahin. Oo nga’t sinasabi nilang malawak na ang kaalaman niya sa pulitika dahil matagal na siyang nanunungkulan kay Digong pero iba pa rin ang usapan kung pagsesenador agad ang tatakbuhin niya. Hindi ko naman minamaliit ang kakayahan ng taong ito ang sa akin lang naman ay opinyon. Marami pang darating na pagkakataon dahil siya ay bata pa. Wala namang masama kung mag-umpisa sa mababang puwesto di ba?

Sa dinami-dami ng mga nag-uudyok na kumandidato hindi malayong tumakbo nga sa senado si Bong Go, pero sana ay 10 beses munang pag-isipan dahil kahit na nakadikit siya kay Digong ay hindi ibig sabihin mananalo na sa eleksiyon. Nandun na tayo popular ang kan­yang pangalan at minsan na ring nasangkot sa Phi­lippine Navy modern and arm frigate at napatunayan naman niyang hindi siya kailan man nakialam sa deal at ito’y fake news lamang. Sumikat din siya sa pagiging mahilig mag-selfie sa kanyang kapwa sa katunayan siya ay itinalagang Secretary to the Office of the President na ka-level ng Cabinet member.

Mahihirapan si Digong na mahahanap ng isang katulad ni Bong Go kung ito ay nasa Senado na.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with