^

PSN Opinyon

Sinungaling ang pulis

IKAW AT ANG BATAS - Pilipino Star Ngayon

(Unang bahagi)

KUNG ang isang testigo ay nagsinungaling sa isang parte na sinabi sa Korte, tinuturing na nagsinungaling siya sa lahat ng kanyang isinalaysay. Ito ang isang pamantayang ginagamit sa pagtimbang ng testimonya ng isang testigo pero hindi ito isang batas na dapat tuparin at gamitin tulad ng nangyari dito sa kaso ng isang pulis na si P/Cpl Serrano.

Si P/Cpl Serrano ay isang miyembro ng ating kapulisan. Isang gabi, habang pauwi siya bitbit ang kanyang baril at isang flashlight ay nakita niya ang magsing-irog na si Pining, isang labandera, at si Dario, isang bagger sa grocery, sa loob ng City Sports Complex. Inumang niya ang baril at sabay tutok ng ilaw ng flashlight sa da­lawa at inutusan silang magtalik sa harap niya. Hindi pa nakuntento ay hiningan niya ng pera ang magsyota at pagkatapos ay pinalabas si Dario para bumili ng siga­rilyo habang si Pining naman ay inutusan niya na himasin ang kanyang pag-aari. Pagkatapos ay hinayaan niyang umalis ang dalawa pero tinakot na papatayin sila kapag nagsumbong.

Sumunod na umaga ay nagpunta sa ibang bayan sina Pining at Dario para makapagpahinga at planuhin kung ano ang kanilang gagawin. Sa tulong ng kanilang mga kamag-anak ay pumunta sila sa istasyon ng pulis upang ireklamo ang nangyari. Kaya’t tatlong kaso ng Grave Coercion ang isinampa sa MTC laban kay P/Cpl Serrano. Una ay ang pag-pwersa nito na magtalik sina Pining at Dario, pangalawa ang pag-uutos niya kay Dario na bumili ng sigarilyo at ang pangatlo ay ang pwersahang pag-uutos niya kay Pining na himasin ang kanyang ari.

Itinanggi ng pulis ang lahat. Ang depensa ni P/Cpl Serrano ay nasalubong lang daw niya ang dalawa at inutusan na umuwi dahil delikado sa lugar. Si Pining daw ang unang sumigaw at sinabing walang karapatan si Serrano na pakialaman sila dahil nasa pampublikong lugar sila. Pinilit lang daw niya ang dalawa na umuwi pero sila pa ang nagmatigas at minura siya. Para daw makaiwas sa gulo ay kusa na lang siyang umalis at umuwi na. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with