^

PSN Opinyon

Mahinang ebidensiya?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

IBINASURA ng DOJ ang kaso laban kay Peter Lim, ang inakusang drug lord ni Pres. Rodrigo Duterte mismo. Nang ilabas ni Duterte ang kanyang unang listahan/matrix ng mga drug lord, nakuha pa ni Peter Lim na puntahan si Duterte sa kanyang tanggapan sa Davao para itanggi ang akusasyon, kahit nagbanta pa si Duterte na papatayin niya si Lim. Napuna nang marami na pinagbigyan si Lim na makausap si Duterte, inabisuhan pa si Lim na magtungo sa NBI para linisin ang pangalan. Tila tumahimik ang isyu hinggil kay Lim. Hanggang ngayon.

Mahina raw ang ebidensiya laban kay Lim, kaya ibinasura ang kaso. Pati ang pahayag ng testigo ng mga pulis ay puno ng pagkakasalungatan. Ito raw ang dahilan ng pagbasura sa kaso. Kasama sa pagbasura ng kaso si Kerwin Espinosa, ang anak ng pinatay ng grupo ni Marvin Marcos ng CIDG dahil nanlaban daw, sa loob ng selda. Inamin pa ni Kerwin sa pagdinig sa Senado na sangkot siya sa iligal na droga, pero mahina pa rin ang ebidensiya? Ilan pang mga kilalang sangkot sa iligal na droga ang kasama rin sa pagbasura sa kaso.

Mabuti pa sila, mahihina ang mga ebidensiya, kahit nasama na sa drug list ni Duterte. Samantalang ilang libo ang napatay, mga mahihirap, sa kampanya ng PNP kontra iligal na droga. Mga “nanlaban” daw, kaya walang ma­gawa ang mga pulis kundi ipagtanggol ang mga sarili. Tulad ng inaasahan, sumiklab ang social media ngayon sa balitang ito. Kung hindi makapaniwala, panunuya sa gobyerno at sa war on drugs nito, na namimili lang daw talaga.

At dahil ganito nga ang nangyari kay Lim at Kerwin, humihingi na rin ng imbestigasyon ang mga isinangkot ding mayor ni Duterte na sina Vicente Loot at Michael Rama. Si Rama ay may banta na nga sa buhay. Siguro nakitang mas may pagkakataon na malinis ang pangalan, kaysa mapatay na lang tulad nila Rolando Espinosa Sr. at Reynaldo Parojinog Sr. Baka ganito na rin ang nais ni Jed Mabilog, na hindi pa bumabalik ng bansa na binantaang papatayin din daw ni Duterte. May laban kapag nahawakan na ng DOJ ang mga kaso nila. O baka naman ito ang dahilan kung bakit hindi sila iniimbestigahan. Baka mahina ang kaso, pero nais “iligpit” na lang.

Iyan ang mahirap sa mga drug matrix na iyan. Ano ba talaga ang pinagbatayan niyan? Tumpak ba ang listahan o kung sinu-sinong nabulungan na lang ang nalalagay? Katulad niyan, tila siguradong sangkot sina Lim at Kerwin, pero nauwi lang sa wala. May kinalaman ba ang pahayag ni DOJ Sec. Aguirre noong 2016 na nagkamali raw si Duterte sa pagsali kay Lim sa listahan, dahil ang “Jaguar”na tinutukoy ay hindi si Lim kundi si Jeffrey Diaz na napatay na ng mga pulis? Kaliwa’t kanan ang pagpapaliwanag ng DOJ ngayon.

Ilan pa kaya ang hindi naman talaga sangkot, daw, sa droga? Akala ko malakas ang kaso laban kay Kerwin, na sinundo pa sa Abu Dhabi ng PNP. Mauuwi lang pala sa wala? Hindi ba tumestigo pa siya laban kay Sen. Leila de Lima, matapos umamin na sangkot sa iligal na droga? Kung abswelto pala si Kerwin sa iligal na droga, ano na ang halaga ng kanyang sinabi laban kay De Lima? Mahina rin ba ang kaso laban sa kanya, kaya tumatagal, o pinatatagal ang pag-usad?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with