Ang ginagampanang papel ng mga dummy’
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

SIMULA pa 2004, iba’t ibang imbestigasyon at operasyon na ang ginawa ng grupo ng BITAG hinggil sa mga maliliit na taong ginagawang dummy ng mga tiwaling negosyante.

Kung natatandaan niyo pa ang award winning epi­sode ng BITAG noong 2005 na“Kadiring Fish Cracker”, nagsimula lamang sa simpleng reklamo sa di pagbaba­yad ng benepisyo ng mga amo.

Hanggang sa pagkakadiskubre ng kanilang salaulang negosyo, ang paggawa ng fish crackers na may kasamang daga at ipis.

Noong 2008, ang garapalang pagtatayo ng naglalakihang fish cages sa Taal Lake na naging sanhi ng matinding fish kill noong mga panahong ‘yun.

Taon 2009 naman ng lumapit sa akin ang isang emple­yado ng Tambunting Pawnshop, siya ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue sa mga di binabayarang buwis ng kumpanya.

Lahat sila, iisa ang naging major problem. Ginamit silang mga dummy ng kanilang mga dorobong amo.

Sabi sa diksiyunaryo, ang salitang dummy – is something designed to resemble and serve as a substitute for the real or usual thing. Ibig sabihin, peke, kunwari, hindi totoo, bogus, name it.

Kung iisiping maigi, bakit kailangang gumamit ng mga negosyante lalo na ‘yung mga dayuhang namumuhunan sa bansa na gumamit ng ibang personalidad para palabasing iba ang may-ari ng kanilang kumpanya?

May itinatago? May iligal na aktibidades? May maitim na balak o maaaring may gawaing di ayon sa batas? Ano man ang tawag diyan, isang uri ito ng pang-aabuso at panloloko!

O eto, abangan ngayong Sabado sa BITAG, aksidente ko lang nadiskubre sa ere ang ganitong uri ng gawain noong Lunes sa Kilos Pronto.

Isang kasambahay ang inirereklamo ang kaniyang amo dahil di binabayaran ang kaniyang SSS contribution.

Akalain mong sa gabay ng maykapal ay naisip kong tanungin ang Tsinong amo na nasa kabilang linya na, “baka naman ginamit mo ang kanyang pangalan sa inyong negosyo”.

Aba’y walang kagatul-gatol sinabi niyang “eh pumayag naman siya (ang kasambahay) kaya okay lang”. Hulog sa BITAG ang kolokoy na may-ari ng Wanda Trading Co sa Valenzuela.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng mokong na negosyante at may kayabangan pa itong sumagot sa akin sa ere. Ayan ang resulta.

Oyy, kayong mga pendejo’t cabron, iligal ang ginagawa niyo, may kalalagyan ang mga abusado’t manlolokong tulad niyo. Alamin sa BITAG ngayong Sabado ang kinahinatnan ng istoryang ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with