CAAP nag-warning sa mausok na mga aircraft
ORA MISMO - Butch M. Quejada (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2018 - 12:00am

BUMANGKA sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng kuwentuhan si Eric Apolonio, spokesman ng CAAP, kasi tinitiktikan na daw nang kanilang ahensiya ang mga eroplanong nagbubuga ng mga usok para maibsan ang paglala ng air pollution sa himpapawid.

Ang proyekto ng CAAP ay bilang pagtugon sa ipinatutupad na panuntunan ng international aviation.

Sabi nga, hindi lang ito gagawin sa Philippines my Philippines kundi ginagawa na around the world.

Ang proyekto ng CAAP sa pagmonitor ng usok sa mga eroplano sa Philippines my Philippines ay halintulad sa ginawang ningas -cogon na proyekto ng MMDA na ‘tanggal Bulok, tanggal Usok’ sa mga dyip sa Philippines my Philippines.

Ang magandang proyekto sana ay para tiyakin mapo-protektahan ang kalusugan ng madlang people sa paglala ng air pollution

Bida ni Eric, isa pala ang Philippines my Philippines sa mga bansang binigyan ng commendation ng International Civil Aviation Organization (ICAO), bunsod ng mga pagsunod nito sa mga guidelines na pinaiiral sa aviation industry.

Tirada ni Apolonio,  kung may ‘tanggal bulok, tanggol usok’ ang MMDA at LTO  mayroon din ang air transportation, ang kaibahan lamang walang mga bulok na eroplano lumilipad kundi ang pagbubutihin lamang ang mga eroplano nagbubuga ng usok na nagreresulta ng air pollution.

Mahabang proseso ang pagtukoy sa mga eroplano nagdudulot ng air pollution ang mahalaga may mga ginagawang hakbang ang international aviation upang ma-address ang nasabing problema.

Kaakibat ng programa ng CAAP ang paglalagay ng mga solar lights sa mga airport maging ang mga ilaw na nasa runway .

Una sa magkakaroon ng solar lights ang Panglao airport sa Bohol ..maliban pa ang susunod at lalagyan din ng mga solar lights ang mga airport ng Davao, Cebu at iba pang international airport operated ng CAAP.

Sabi nga, abangan.

Bro. Antonio Reyes ng Laong-Laan Masonic Lodge 185

BUMIGAY na si Bro. Tony ‘pusa’ Reyes, 70 yrs. old,  miembro ng LLL No. 185 the other week .

Sabi nga, kinuha na siya ni Lord sa kanyang tarima sa Palawan.

Sa mga brethren, friends and relatives naka-burol si Bro. Tony sa St. Peter funeral.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Thursday morning susunugin ang kanyang labi dito.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with