Epekto lang ng problema...
MAINIT na mainit ngayon si Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Naglabasan ang kaliwa’t kanang mga balita, ‘yung iba slanted at ang iba naman fake news.
Pansinin niyo mga boss ang mga ginagamit kong salita at terminolohiya… balita. Mag-ingat kayo at ‘wag malilito. Itong mga nakikita’t nababasa n’yo ay hindi ang puno’t dulo ng problema.
What do I mean by this? Paulit-ulit ko nang natalakay ang isyung ito at hindi ako magsasawang ulit-ulitin para magkaroon ng kalinawan. Epekto lang ng problema si CJ Sereno. Sino ang sanhi?
Sesentro ako sa dahilan ng problema, nandoon sa Times Street. Pakuya-kuyakoy at naglalaro ng X Box nang one to sawa. Kilala na ng lahat kung sino siya.
Kung maituturing na isang malaking krimen ang pag-appoint kay Chief Justice Sereno, yung dating Presidente ng Pilipinas ang salarin. Siya ang may kapritso kaya hanggang ngayon ay nasasaksihan natin ang mga kaguluhang ito sa hudikatura. Kung tutuusin, tahasang unconstitutionality at illegality ang ginawa niya.
Mga boss, lulusot lang naman si Sereno dahil sa mga kapritso pa rin ni Boy Sisi. Ginamit ang mga patay-gutom na senator-judges na nabubuhay pa hanggang ngayon.
Ang mama na ito’y nagawang suhulan ang 13 senator-judges. Nagpamudmod ng daan-daang milyong suhol mula sa Disbursement Accelaration Program (DAP). Maituturing na pork barrel, ginamit ang DAP sa mga senador para i-convict si dating Chief Justice Renato Corona. At nagtagumpay sila’t napatalsik ang kawawang mama.
Itanong n’yo pa ‘yan kay Senior Kolesterol at kay asong ulol. Kung nanonood kayo ng Bitag Live kilala n’yo ang mga karakter na ito.
Ang daang milyong suhol, para sa mga papogi o kung anumang pet projects kuno nila. Ang epekto, kasalukuyang natatamasa natin.
It may seem like I’m joking, pero seryoso ang punto ko rito.This is the real and deep issue. The rest are just news or noise.
- Latest