^

PSN Opinyon

‘PAO kontra DOH at UP-PGH’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NITONG Martes, tahasang sinabi ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda Acosta sa programa kong Ben Tulfo Unfiltered na hindi siya makikipagtulungan sa DOH at UP-PGH hinggil sa imbestigasyon ng mga biktima ng kontrober­siyal na Dengvaxia.

Ano man daw pilit ng mga senador at kongresista, magtulung-tulungan pa sila, hindi raw matitinag ang ale. Kaya naman ang tanong nang marami, bakit nga ba? Paliwanag ng batikang abogado, magkaiba ang tiwala sa conflict of interest. May tiwala raw siya kay Department of Health Secretary Francisco Duque III pero dahil sa conflict of interest ay hindi siya puwedeng makipagsabwatan dito. 

May punto nga naman siya. Bakit ka naman makikipagtulungan sa grupo o organisasyon na sila mismong inirereklamo ng mga kliyente mo? Gets n’yo? Paglilinaw niya, hindi niya boss ang DOH kaya wala silang karapatan na utusan at diktahan ang PAO. Gayunpaman, hindi rin naman daw siya kaaway ng mga ito.

Marami man ang naniniwala at sumusuporta sa ipinaglalaban ng PAO, may mangilan-ngilan din na pilit bumabatikos sa kanila. Nariyan ‘yung mga nagsasabing, PAO ang dahilan kung bakit lumaki ang issue ng Dengvaxia at pati mga magulang natatakot nang pabakunahan ang mga anak nila.

Sagot ng abogada, ‘wag ibaling sa kanila ang sisi ng publiko. Dahil ang katotohanan hindi raw nila maitatago. Tanong niya, sino ba ang nagbigay ng problema at hysteria? Sino ba ang nagturok at bumili ng Dengvaxia? Lahat nang ebidensiya sa iisang direksiyon lang papunta. Labing-isa sa 10 daliri nakaturo sa mga dating nakaupo. Wala nang iba pa, kayo na nga Janette Garin at P-Noy.

Kung bakit naman kasi nasa clinical trial stage pa lang ang Dengvaxia itinurok n’yo na sa mga bata. Prescription drugs pero kahit mga midwife sa clinic nakapagturok sa public schools? At ang malala, mass vaccination pa! Kung di ba naman mga a-anga-anga.

Sa interview ko kay Sec. Duque at Atty. Acosta nitong nakaraang linggo, mahinahon pa sila, wala pang namumuong away. Subalit ngayon, mukhang natuluyan na at nagkakawalaan na ng pasensiya ang dalawang tanggapan. Huwag naman sana, magkaalyado pa naman sila sa partido ng admi­nistrasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with