^

PSN Opinyon

Status ng Boracay sa Ben Tulfo Unfiltered

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

LAST week, nasa hot seat ng Ben Tulfo Unfiltered si Department of Tourism Assistant Secretary Frederick Alegre. No-holds-barred interview sa isyu ng Boracay.

Siyempre mas maganda kung sa gobyerno mismo galing. Ano bang status ngayon ng isla?

Siya mismo ang nagkumpirma ng kalokohan ng mga business establishments sa Boracay. 56 billion pesos ang kinita ng Boracay noong 2017. Sobrang laking halaga tapos di man lang makagawa ng matinong sewage system ang ilang putok sa buhong negosyante. Binaboy nang husto ang Boracay. Ginawang isang malaking pozo negro ang dagat.

Nag-isip talaga ng paraan para makatipid lang ang mga lintik. Dagdag ni Secretary, may mga naglakas-loob pang nagkabit ng sewage nila sa daluyan ng tubig ulan! Ngayon, sino ang may kasalanan? Walang iba kun’di ‘yung lokal na gobyernong ‘di malaman kung tanga, nagbubulag-bulagan o nasa listahan ng payola. Nasobrahan ang pagiging gahaman, ganid at matakaw ng business establishments. Hindi naman maglalakas-loob ang mga ito ng walang kapit sa gobyerno.

Ang dahilan ng problema, nakipagkutsabahan ang mga kurakot na opisyales ng Boracay. Pinuproblema natin ngayon ang epekto ng kanilang kapabayaan at pagiging gahaman. Kung may ipin man ang lokal na gobyerno, wala sana ang problemang ‘to. Ang kaso… wala.

Dahil bilyon-bilyong piso negosyo ang Boracay, asahan nang magpapaulan ng pera ang operators para mapabagal ang aksyon ng gobyerno. Mga lobbyists kung tawagin. Paulit-ulit kong sinabi ‘to. Hindi ba nababahala ang gobyerno sa mga ope­rators at lobbyists kontra sa rehabilitation efforts ng gobyerno?

Base sa pananalita ni Secretary Alegre, di naman sila natitinag sa mga galamay ng business owners sa Boracay. Itong mga public relations group, eepal sa mga hearings at susubukang brasuhin ang mga senador at congressman. Sama na natin ang mga komentarista sa radyo’t kolumnista sa mga diyaryo. Gumagapang sila para maudlot ang marching order ng pangulo na i-rehabilitate ang Boracay sa loob ng six months.

Wala namang problema sa DOT. Sa parte nila, tuloy lang ang trabaho kaakibat ang ibang ahensya ng gobyerno. Kami naman, nakabantay at nakaantabay lang sa mga mangyayari – lalo na sa operators at lobbyists.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with