^

PSN Opinyon

‘Ang kuwento ni Lolo’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

IPINALABAS na namin sa aming Youtube Channel ang unang video ng “Ben Tulfo Listens.” Hindi ako ang bida rito kundi ang “Kuwento ni Lolo,” isang senior citizen at construction worker.

Isa lang si Lolo sa daan-daang dumadagsa sa amin para magreklamo. ‘Yun nga lang, naiiba ang kanyang kuwento.

‘Di tulad sa ibang complainant, hindi aksyon ang binibigay namin. Kadalasan kasi ang mga simpleng taong ito, naghahanap lang ng karamay sa kanilang problema.

Kung tutuusin, marami sa kanila’y naguguluhan lang at kailangan lang ng taong makikinig. Ito ang saysay ng bagong programang ito.

May mga araw na personal kong hinaharap ang mga lumalapit sa aming tanggapan. Isa-isa kong pinaki­kinggan ang lahat ng kanilang problema.

Noon pa ma’y ginagawa na namin ‘to. Alam ito ng solid­ fans at mga natulungan namin. Noon, tuwing Miyer­kules, mayroon kaming tinatawag na People’s Day.

Ngayon, araw-araw bukas ang BITAG at Kilos Pronto Action Center para sa lahat ng uri ng reklamo. Meron na rin kaming inilunsad na safety center at online help desk sa Facebook at www.bitagmedia.com

Kinakausap ko sila, casual lang, wala kasi kaming pini­­pili. ‘Di tulad ng iba, ‘pag ‘di mapakinabangan ang nagrereklamo o kung hindi pang-istorya, ‘di na tutulu­ngan. Mali!

Mayroon pa ngang iba, wala naman talagang prob­lema. Nabibigatan lang sa nangyayari sa buhay at walang mapagbuntonan. Ang mga tulad nila, ‘di ko tinitigilan hangga’t ‘di nalilinawan.

Hindi ako abogado, hindi rin ako pulis o anumang may titulo na eksperto. Pero sa ngalan ng serbisyo publiko, marunong akong makig at magsabi ng totoo gaano man kasakit ito.

Sa kaso ni Lolo, kinausap ko siya at nakinig ako sa kuwento niya. Sa mga gustong panoorin ang episode at alamin kung anong nangyari, bisitahin lang ang aming Youtube Channel, BITAG Official o ang aming website, bitagmedia.com.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with