‘Hindi kami papoging serbisyo publiko’
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2018 - 12:00am

WALANG pinipiling reklamo ang Bitag at Kilos Pronto. Sa mga matagal ng sumusuporta at sumusunod ng aming mga programa, wala kaming inuurungan kahit sino pang talpulano - alam n’yo ‘yan.

Subalit may mga reklamong hindi nasosolusyunan ng basta tapang at bruskuhan lang. May mga sumbong na lalo’t naisampa at napagdesisyunan na ng hukuman, negosasyon na lamang ang tangi naming magagawa.

May legal na basehan ang korte kung bakit natatalo ang isang kaso at hindi pwedeng basta kalabanin ang hatol na ‘yun. Kapag ang nagrereklamo ay feeling dehado pa din, lalapit ‘yan sa mga public service programs na katulad ng Bitag at Kilos Pronto para humingi ng tulong.

Kung iisipin, tila nagfo-forum shopping ang estilo pero sa abot ng aming makakaya, sa larangan ng serbisyo publiko, gagawin namin ang tamang paraan para makatulong. Susubukan naming magkasundo ang dalawang panig para sa ikareresolba ng problema.

Subalit kung ang dalawang panig ay patuloy na magpapataasan ng pilantik ihi, ilalarga namin ‘yan kahit sa ere. Wala kaming pakialaman kung sa tingin n’yo ay may kinikilingan kami, ang pamantayan namin ang masusunod.

Nitong nakaraang Huwebes bukas palad naming pinakinggan sa ere ang reklamo ng isang negosyante. Pinadlock daw ng kaniyang landlord ang gamit niyang pang-negosyo. 

Dahil dito agad niyang sinampahan ng kaso ang may-ari ng gusali dahil gusto niyang makuha ang mga gamit niya at ma-refund ang advance at deposit niya sa puwesto.  Pero ang kasong isinampa ng nagrereklamo ay agad ding na-dismiss ng korte dahil sa default payment at lease contract na kanilang pinirmahan.

Para maayos pa rin ang problema, tinawagan namin sa ere ang inirereklamo at ayon sa landlord, handa naman niyang ibalik ang mga gamit ng negosyante pero hindi kasama ang pera. Kulang pa raw kasi itong pambayad sa mga buwan na hindi siya nagbayad ng renta.

Sinubukan namin ni Alex na mamagitan at pagkasunduin ng dalawa. Lumalabas kasi na may pagkukulang ang nagrereklamo at lumalim lamang sa personal na hidwaan ang problema.

Dahil dito, marami ang nagalit at tinawag kaming bias. Well, I don’t care! Hindi namin estilong pasayahin ang mga manonood o i-satisfy ang kagustuhan ng mga netizens dahil hindi kami entertainment program. Linawin natin, hindi pa-pogi ang serbisyo publikong ginagawa ng Bitag at Kilos Pronyo.

 ‘Di kami kunsintidor at lalong hindi kami embalsamador tulad ng iba, doon kami sa kung ano ang tama at katotohanan. What is right is right and what is wrong is wrong. Kaya minabuti namin na ‘wag nang makialam sa reklamo at imbes na makisawsaw pa, kaya larga silang dalawa! 

Gaano man kanipis hiwain ang isang kwadradong keso, lalabas at lalabas ang dalawang banda. Ang mahirap na tanong, aling banda nga ba ang totoo?

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with