Giyerahin ang Illegal recruiters
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2018 - 12:00am

MAYROON na tayong war on drugs, pagkatapos ideneklara ng Palasyo ang war laban sa fake news. Bukod sa mga iyan, mayroon pang isang krimen na dapat giyerahin: Illegal recruitment.

Tingin ko, sa sunud-sunod na kaso ng rape at pagpatay sa ating mga OFWs lalu na sa Gitnang Silangan, natauhan na talaga ang pamahalaan.

Inatasan ni Presidente Duterte ang mabilis na pagtugis at pag-uusig sa mga recruiters ni Joanna Demafelis, ang babaeng pinatay ng amo at isinilid sa freezer sa Kuwait. Huwag lang sanang reactionary ang maging tugon ng pamahalaan sa mga kasong ito. Ibig sabihin, huwag nang hintaying magkapatong-patong pa ang mga kaso ng pang-aabuso sa ating mga OFWs bago gawan ng aksyon.

Kung hindi maghihigpit laban sa mga illegal recruiters, mauulit at mauulit ang ganyang mga masaklap na karanasan.

Tama rin ang hakbang ng Pangulo na suspendihin muna ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Kuwait habang wala pang kasunduang nararating ang Pilipinas sa naturang bansa upang siguruhin ang proteksyon ng ating mga manggagawa.

Wala namang masyadong problema ang mga Pinoy na nakaalis sa legal na paraan. Pero yung mga tinatawag na direct hire na umalis sa bansa bilang mga turista ay dapat higpitan. Iyan ang mga karaniwang biktima ng ille­gal recruitment.

Kaya kung may napapahamak na Pilipino sa kamay ng kanilang mga amo, walang ibang dapat managot kundi yung mga recuriters na nagpaalis sa kanila.

Isa pa, yung mga labor attaché sa mga konsulada sa ibang bansa ay dapat ding kastiguhin kapag nagkait ng tulong sa mga Pilipinong dumudulog sa kanila. Sila ang first line of defense na inaasahan para mapangalagaan ang ating mga OFWs.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with