^

PSN Opinyon

Water waste facility ng Boracay

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

DAPAT managot ang mga opisyal ng DENR, local government at maging mga may-ari ng mga negosyo sa isla ng Boracay sa mga nangyaring kapabayaan dito na nagresulta ng pagbantot at pagdumi ng dagat.

Hindi dapat tantanan ang mga nagkasala at panagutin ng gobierno ni Boss Digong.

Sabi nga, ikulong kung nararapat at pagmultahin ng malaking salapi!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para maligtas ang isla sa kapahamakan na nangyayari ngayon dito kailangan isara muna ang isla ng Boracay at linisin ang dapat linisin, gibain ang dapat gibain at ayusin ang dapat i-ayos.

Sabi nga, political will lang ito!

‘Gusto nang pera dahil maganda ang negosyo dapat pahalagahan ang paraisong isla at hindi babuyin gaya nang nangyayari ngayon.’ sabi ng kuwagong SP0-10 sa Crame.

Hindi lamang sa Boracay nangyayari ang dambuhalang krisis kundi sa buong Tablas Strait, kababuyan ang kadalasan makikita at problema na gawa ng madlang people na salaula?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ‘zero garbage’ at waste retention ang ipatupad sa isla ng Boracay dahil wala itong lugar sa mga itinatapon na sobrang basura ng mga turistang dumadayo dito.

Sabi nga, mas mainam pang magkaroon ng dagdag na singil sa mga turista para ibayad sa regular na collection ng mga basura at organic wastes na puedeng ilipat sa mainland Panay gamit dapat ang mga selyadong barges.

‘Ang uri o katangian ng bawat turista ang kailangan at hindi ang dami para sa isla.’ anang kuwagong makulit.

Siguro dapat pag-aralan ng husto na may sapat na bilang lamang ang mga turistang tumutungtong sa isla ng Boracay sa araw-araw partikular sa mga stations 1,2 at 3 para makontrol ang duming itinapon o iniiwan nila dito. Hindi gaya ngayon na halos hindi muna makita ang maputing buhanginan sa kapal ng madlang people lalo’t pick season sa lugar.

Ang paglilinis nang isla at paggiba sa mga resort na lumagpas sa kanilang AOR ay hindi magagawa sa loob lamang ng ilang buwan lalo’t bukas ito sa turista.

Ano ang dapat gawin?

Isara muna ang isla habang inaayos ang buong lugar.

Si Boss Digong lang ang kukumpas na isara muna ang isla para maligtas ito sa kinatatakutang mala-baboy na lugar.

‘Isang mabilis at marahas na hakbang ang kailangan para mailigtas sa dumi ang Boracay.’ sabi ng kuwagong nagso-solo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa totoo lang ang DENR diumano ang siyang nagpabaya dito sa Boracay kasama siempre ang LGU’s?

Ika nga, kung naging mahigpit sila sa pagpapatupad sa kanilang tungkulin sana hindi ‘cesspool’ ang Boracay tulad ng sinasabi ni Boss Digong.

Dapat isara muna ang isla para maayos at makumpuni ang water waste facility dito!

Kung si SENR Roy Cimatu ang tatanungin 300 establishments ang gusto niyang ipasara.

Nagpahayag naman ng suporta si Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento, para sa mga panukala na idedeklara ang buong isla bilang bahagi ng National Integrated Protected Areas System ng bansa (NIPAS) at magpataw ng isang maximum na limitasyon sa pang araw-araw na dami ng mga turista na maaaring pinapayagan pumasok sa isla.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with