^

PSN Opinyon

Hindi naman talaga magbabago

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

OPISYAL nang inilunsad ni presidential daughter and Mayor Sara Duterte-Carpio ang Hugpong ng Pagbabago regional political party noong isang araw sa isang hotel dito sa Davao City. 

At kasama niya sa bagong regional grouping ay ang apat na governors ng Southern Mindanao, sina Compostela Valley Gov. Tyron Uy, Davao Oriental Gov. Nelson Dayanghirang, Davao Occidental Gov. Claude Bautista at Davao del Norte Gov. Anthony del Rosario. 

Aabot sa 500 iba pang  mga local officials na bitbit ng apat na governors, kasali na mga provincial board members, city councilors at maging vice mayors at congressmen ng kani-kanilang lugar ang dumalo rin sa first convention ng Hugpong ng Pagbabago noong Biyernes ng hapon.

Totoong malaki itong pagbabago sa takbo ng pulitika dito sa Southern Mindanao dahil nga babalewalain nila ang kanya-kanyang national political party gaya ng Liberal Party at maging ang PDP-Laban. 

Ang mga miyembro ng Hugpong ng Pagbabago ay tatakbo sa ilalim ng nasabing Hugpong Party kahit na nga sinabi nilang napaka-limited ng resources nila.

Subalit kung tingin ng marami ay mag-iba o magbago ang takbo ng pulitika dito sa Southern Mindanao, hindi po  masyado dahil sila-sila lang  man din ang mga tinatayang malalakas na pulitiko rito kung pagbatayan ang mga nagdaang eleksyon. 

Ang lagay ay lalo lang pinapaigting at pinalalakas ang pagkakaisa ng  mga taga-Timog Mindanao sa pagtatag ng Hugpong ng Pagbabago.

Dahil nga sa pagkakataong ito ay nagkakaisa na ang mga government officials para sa ikauunlad ng rehiyon na naging rason ng pagtatatag ng Hugpong ng Pagbabago.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with