^

PSN Opinyon

Many ways to skin a cat

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NOONG panahon ni Marcos, ang lahat ng media entity na kumakalaban sa kanya ay walang kaabugabog na isi­nara. Gestapo style. Sumalakay na lang nang walang abiso ang militar sa mga editorial offices upang isara ang mga pahayagan at himpilan ng radio at telebisyon.

Sa panahon ngayon, hindi na puwedeng gawin ang ganyan at pihong papalag ang taumbayan.

Pero may ibang desimuladong paraan at iyan ay pag­hanap ng teknikalidad para maipasara ang isang media organization na umuupak sa pamahalaan. Gan­yang ang nangyari sa Rappler na matagal nang kina­babanasan ni Presidente Duterte. Nahanapan ng butas ito ng Secu­rities and Exchange Commission (SEC) para magkaroon ng rason na ipasara. Mayroon daw puhunan dito ang mga dayuhang investors na ipinagba­bawal ng batas sa mass media industry.

Ngunit ang closure order ay ipinitisyon ng Rappler sa korte para makakuha sila ng TRO. Habang wala pang aksyon ang Korte sa hinihinging TRO, puwede pa ring mag-cover sa Malacañang ang reporter ng organi­sasyong ito. Ngunit sa utos mismo ni Presidente Duterte, hindi na pinayagang makapasok sa Malacañang ang reporter ng Rappler na si Pia Ranada. Unti-unti na nga yatang gumagalaw ang kamay na bakal ng Pangulo na nauna nang umamin na siya ay isang diktador.

Ang freedom of expression ay ginagarantiyahan ng Bill of Rights ng Konstitusyon. At ang probisyong iyan ng Saligang Batas ay hindi puwedeng mabago kahit pa magkaroon ng charter change. Ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi lamang para sa mga mamamahayag kundi para sa lahat ng tao. Tama man o mali ang kanilang sabihin, ito’y karapatan pa rin nilang ipahayag at walang sino man ang dapat pumigil dito.

Sabi nga ng isang quotation na madalas i-attribute sa French philosopher na si Voltaire: “I disagree with what you say but I will fight to death for your right to say it.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with