^

PSN Opinyon

Babala sa mga barubal na recruitment agencies

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BILANG lang sa kamay ang mga matitinong recruitment­ agencies. Mistulang endangered species na ang kani­lang lahi, habang dominante naman ‘yung mga putok sa buho at walang silbi.

‘Yung mga hinayupak na ‘di nabibilang doon sa unang­ katergorya, para sa inyo ang kolum na ‘to.

Lahat kayo responsable lang sa oras ng bayaran. Responsable lang mandekwat sa desperadong kapwa.

Buti sana kung may pananagutan kayo oras na magkanda-leche-leche. Ang problema – wala!

Ano nga namang pakialam n’yo sa kapakanan ng kaba­bayan n’yo? Kumita na kayo. Dagdag cargo at sakit ng ulo lang abutin n’yo sa pag-rescue sa mga distressed applicants.

Iba sa inyo, alam nang nasa peligro ang tao, pinagkakitaan pa! ‘Di n’yo muna pauuwiin dahil sayang pera. Kumbaga sa investment, gusto niyo pa ng mas malaking kita!

Kung babalikan, itong kasong pagpatay sa OFW sa Kuwait, naging mitsa ni President Duterte para i-ban ang OFW deployment sa nasabing bansa. At bakit naman hindi.

Wala akong respeto sa mga Arabong ‘to. Sangkaterba­ na ngang mga manyakol, hayop pa ang trato sa mga Pili­pino. ‘Dito, mas malala. Tinuluyan nitong mga mababahong ‘to.  

Base sa mga balita, sinilid ang bangkay sa loob ng freezer. Tinatayang isang taon ang tinagal niya roon bago siya nadiskubre.

Ito namang mga umaalingasaw na Kuwaiti, umatu­ngal at nag-inarte. Kakapal ng mukha n’yo.

Am I sounding racist? No, I am not… maybe. I’m angry.

Dapat sa inyo kinukulong sa hawla kasama ng mga hayop. Doon n’yo parausin ang kalibugan niyo, kasama ng mga kambing at camel dahil mga hayop din kayo.

‘Di pa kasama rito ‘yung talagang mga anak ng demonyong ‘di maintindihan kung bakit nabubuhay pa sa mundo. Garapalan kung mag-human trafficking!

Mga anak kayo ng ina niyo. Makita ko lang kayo, ‘di lang bitag ang aabutin n’yo sa akin. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with