EDITORYAL - Durugin din mga corrupt sa Customs
(Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2018 - 12:00am

DALAWAMPUNG mamahaling sasakyan ang pi­na­sagasaan sa buldoser noong Martes. Pagka­raang sagasaan, pinitpit pa ang mga ito ng backhoe kaya wala nang pakikinabangan sa mga ito. Sa junkshop na ang tungo ng mga mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P61 milyon.

Habang ginagawa ang pagbuldoser sa mga ma­mahaling sasakyan sa compound ng Bureau of Customs sa Maynila, nanonood naman si Pres. Rodrigo Duterte at iba pang Cabinet officials. Kabilang sa mga winasak na sasakyan ang Corvette, Stingray, BMWs at Mercedes Benzes.

Halos kasabay nang ginagawang pagwasak sa mga mamahaling sasakyan sa Maynila, winawasak din ang mga smuggled na mamahaling sasakyan sa Davao at Cebu. Pito ang winasak sa Davao na kinabibilangan ng mga mamahaling Toyota Tundra, Mercedes Benz at Toyota Land Cruiser samantalang tatlo naman sa Cebu na kinabibilangan ng mga sasakyang Audi, Jeep Wrangler at Mercedes Benz.

Nakapagtataka lamang kung nasaan ang mga mamahaling Lamborghini, Ferrari at McLaren na nauna nang sinabi ni Duterte na wawasakin. Nagtalumpati si Duterte noong nakaraang linggo sa Indigenous People Summit na ginanap sa Eastmincom headquarters sa Camp Panacan, Davao City, at sinabi niyang wawasakin ang mga smuggled na sasakyan para hindi mapakinabangan ng importer.

Hindi na raw niya papayagan ang nakaugaliang ipasubasta ang mga mamahaling smuggled na sasakyan sapagkat ang mga smuggler din ang nananalo rito. Kaya para hindi na manalo ang mga smuggler sa subastahan, ipawawasak na lamang niya ang mga sasakyan. Masdan na lamang daw ng smuggler at importer kung paano wasakin ang mga ito.

Maraming pumuri kay Duterte sa ginawang pagwasak sa mga mamahaling sasakyan. Nararapat lamang daw ang ginawa ni Duterte. Tama lang na wasakin nang todo para hindi na mapakinabangan. Nagbabala naman si Duterte sa mga smuggler na ganito muli ang sasapitin kapag nagpatuloy sila sa pagpupuslit ng mamahaling sasakyan.

Pero mas lalo pang matutuwa ang mamamayan kung magsasagawa ang Presidente nang pagwasak sa mga corrupt sa Customs. Patuloy pa rin “tara” sa Customs at walang nakaaalam kung ka­ilan ito magwawakas.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with