^

PSN Opinyon

‘Ang magandang magagawa ni Asec. Mocha Uson’

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KASALUKUYANG nagpipista ang mga kalaban dahil sa magulong sitwasyon ngayon sa pagitan mismo ng mga Die-hard Duterte Supporters (DDS). Sila-sila mismo kasi nag-aaway, nakakagulo na tuloy sa tunay na layunin ng Duterte administration.

Itong mga “extremists” DDS, masyadong nagpapadala sa galit kaya damay tuloy ang followers ni Pres. Duterte. Kaya ayun, makikita ang oposisyon sa kabilang banda, tuwang-tuwa at nagpipista sa nangyayari.

Pero may mga personaheng may papel at may magagawang paraan o maaaring maging makatulong para maayos ang sitwasyong ito.

Kilala n’yo siya, si Philippine Communications and Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson. O, ‘yung mga tumaas ang kilay diyan, ibaba niyo muna at basahin ang buong nilalaman ng kolum ko bago kayo maging nega.

Hindi maikakaila na malaki ang impluwensiya ni Asec Mocha sa mga Duterte followers. Maaari niyang pahinahunin ang mga DDS sa pagsisimula sa sarili niya at paggamit ng impluwensiyang mayroon siya ngayon.

Siya mismo ay kailangang mag-ingat at huminahon sa kaniyang mga banat sa mga anti-Duterte na kabahagi din niya sa gobyerno o ‘yung mga senador sa oposisyon.

Ang ipinupukol kasi sa kaniya ngayon ng marami ay ang kaniyang pagiging blogger at pagiging opisyal ng pamahalaan na malaking-malaki ang pagkakaiba.

Hindi naman pinagkakaitan ang sinuman na isulat kung anuman ang kanilang saloobin. Subalit ang importante ay ang “ethical standards” ng isang public official.

Pinangunahan naman ng PCOO at dapat sundin din ng mga tao sa loob nito na sila’y maging balanse, ‘wag magpadala sa mga extremists, traditional o sober man. I-manage o hawakan ang mga bagay-bagay ng mahinahon sa tulong mga bloggers tulad ni Asec. Mocha.

Kailangan ina-accentuate o binibigyang-diin ang mga accomplishments ng pamahalaan at pinangangasiwaan ng tama ang paglalabas ng mga impormasyon o balita.

Hindi naman kailangan na sa paglalahad ng impormasyon o balita ay parang magdedeklara ka ng giyera o nakikidigma ka.

Kung minsan kasi may nasisilip na tsansa ang mga trolls ng kabilang panig para manira. Uunahin nila ‘yung mga nasa frontliner katulad ni Asec. Mocha.

Siguradong napakaraming stalker na bumubuntot sa mga sinusulat, sinasabi at inilalahad sa publiko ng mga pro-Duterte bloggers.

Kaya ang siste, babakbakin ng kabilang grupo ang ahensiya kung saan konektado mismo ang mga ito tulad ni Asec.Mocha na kabahagi ng PCOO. Ang sinasabi ko, Mocha Uson Blog only represents Mocha Uson’s views and not that of PCOO.

Nakausap namin ang tanggapan ni Asec. Mocha at nauna nang pumayag itong umupo sa Ben Tulfo Unfiltered sa Lunes. Abangan n’yo ang aming magiging mainit na talakayan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with