^

PSN Opinyon

Tuluy-tuloy ang aming serbisyo

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SA panahon ngayon, where millennial things rules, napakalaking bagay ng social media mapa-personal, propesyunal, komunidad, seguridad at kung ano-ano pang aspeto man ‘yan. Aminin na natin na karamihan, ang unang bagay na iniintindi pagmulat ng mga mata sa umaga at huling bagay na binibigyan ng pansin bago ma­tulog ay ang pagfe-Facebook o di naman kaya ay Instagram. Okay lang sana kung ang mga socmed na ito ay nagagamit to positively connect and actively engage people sabi nga ng Facebook. Tulad ng Facebook, they’re intention is to build community of people and not to establish divisiveness.

Ang masama, binastardo na ang socmed ng industriyang pinakamarumi sa lahat – ang pulitika. Kapag hindi mo nagamit ang teknolohiya sa tamang paraan dahil hindi mo naiintindihan kung ano ang purpose nito pangkalahatan, mapanira ‘yan. Mismong Facebook, aminadong may pagkakamali sa kanilang likha na hindi nila nakita sa unang lebel pa lang ng kanilang pamama­yagpag. Inamin nila na kung hindi maaagapan ang pagkukulang, magiging banta ang higanteng Facebook sa demokrasya.

Sinasabing naging plataporma ang Facebook upang manalo ang ilang kandidato sa larangan ng pulitika – sa ating bansa at maging sa ibang bansa. Maaaring magkaroon ng cyber war bet­ween politicians kapag hindi ito naagapan. Ngayon, nagising ang Facebook. Kaya ngayong Enero ay nag-anunsyo ang developer ng Facebook na si Mark Zuckerberg na handa silang gumawa ng pagbabago. Kabilang dito ang paghihigpit sa mga media outlet na magpo-post ng kanilang mga balita.

Nais maiwasan ng developer ng Facebook na lumaganap pa ang mga sinasabing fake news na tunay na maraming nabibiktima at naaapektuhan. Ngayong 2018, unti-unti nang nagbabago ang konsepto ng Facebook. Malimit ay naghigpit na sila sa mga media outlet, sa mga gumagamit ng live streaming, at nagpo-post ng kaniya-ka­niya nilang balita. Positive engagement ang ipinaglalaban ngayon ng sinasabing pagbabago. Kaya ginagawa itong mas personal na gamit.

Isa kami sa mga naapektuhan ng matinding paghihigpit ng Facebook. Nilimitahan na nito ang paggamit ng live stream kung saan madami nang ipinagbabawal ngayon na wala naman dati. Oo apektado kami subalit hindi ito makakapagpahinto sa aming grupo na ituloy ang adbokasiya’t laban na aming nasimulan bilang mga journalists. Alintuntunin iyon ng Facebook at kailangan sumunod bilang pagrespeto sa kanilang institusyon, di gaya ng mga putok sa buhong media kuno na ginamit sa maling paraan ang socmed. May mga konting pagbabago sa aming mga live streaming­ sa Bitag Live, Kilos Pronto at Ben Tulfo Unfiltered. Hindi kami mawawala, paglilinaw lang, mapapanood pa rin kami simultaneous sa telebisyon, Facebook at YouTube. Kami ay patuloy na gumagawa ng paraan para tuluy-tuloy ang aming serbisyo. 

Kaya para sa aking mga tagasubaybay, Facebook followers, maaari niyo pa ring subaybayan ang aming programa sa aming­ YouTube channel BITAG OFFICIAL. Mag-subscribe lamang kayo at i-click ang “bell” button upang patuloy na makatanggap ng noti­fication sa aming mga bagong nilalabas na segments o episodes. Paunang salamat sa inyong lahat sa pang-unawa sa mga ginagawa naming adjustment. Let us keep the positive engagement. Ciao!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with