Imposibleng palusot (Unang bahagi)
IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2018 - 12:00am

SA paggawa ng krimen, nakakalusot ang akusado dahil sa pagiging sintu-sinto o dahil napilitan lang siyang gawin ito dala ng matinding takot o sa paniniwalang mas matinding kapahamakan ang kanyang aabutin (Art. 12-Revised Penal Code). Ipapaliwanag ito dito sa kaso nina Cardo at Nardo.

Isang hapon, dakong 1:15 ay pumasok sa kampus ng isang pribadong eskwelahan si  Cardo at nilapitan si Benjo, isang katorse-anyos na binatilyo. Nakumbinse niya ito na sumama sa kanya upang ibigay ang bayad sa lupang ibinebenta ng tatay nito. Pati ang matalik na kaibigan nitong si Kevin na isang katorse-anyos din ay nakumbinsing samahan si Benjo.

Dinala ang dalawang binatilyo sa isang kubo sa gitna ng isang palaisdaan para antayin si “Ka Berto” na kasabwat din ni Cardo. Noong nagdesisyon na ang dalawa na umuwi ay pinigilan sila ni Cardo at sinabing padating na si Ka Berto. Tinalian sa kamay at paa ang dalawa at ang palusot lang ni Cardo ay hindi naman sila masasaktan.

Maya-maya pa ay dumating na si Nardo at tiniyak na maayos ang pagkakatali sa dalawa. Gumawa ng isang tape recording si Cardo at inutusan si Benjo na magmakaawa at humingi ng tatlong milyong piso mula sa kanyang mga magulang kapalit ng kanilang kalayaan. Pagkatapos ay binuhat ni Nardo si Kevin papunta sa ilog. Sinipa naman nito si Benjo para sumama sa kanila. Hawak sa leeg ay dinala naman ni Cardo sa gitna ng ilog si Kevin para tuluyang malunod. Natulog si Cardo na parang walang nangyari. Inutusan lang nito si Nardo na hanapin ang kuwintas ni Kevin at tuloy na bantayan si Benjo.    

Sa kubo ay nagawang tanggalin ni Benjo ang pagkakatali ng kanyang paa. Nakumbinsi rin niya si Nardo na tanggalin ang pagkakatali ng kanyang mga kamay dahil hindi daw siya tatakas at matutulog lang. Nang sumunod na umaga, samantalang papunta si Cardo sa bahay ng mga magulang ni Benjo para dalhin ang tape recording at habang nagpuputol ng damo si Nardo ay nakatakas na si Benjo. Nakarating siya sa bahay ni Cardo at nakapuslit para makatawag sa kanyang lola. Sinundo siya ng ama at lola at dinala sa presinto upang mag-report tungkol sa nangyaring kidnapping. Pagkalipas ng dalawang araw ay nakuha ang bangkay ni Kevin sa ilog. (Itutuloy)

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with