Kawalan ng trabaho lutasin ni Duterte
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2018 - 12:00am

HINDI mga kontrabida ang 12,000 napatay ng pulis at vigilantes na drug suspects mula Hulyo 2016. Nawalan sila ng padre de pamilya, iyak ng mga kaanak. Mga magulang o panganay sila na nag-uuwi ng makakain at nagpapaaral ng musmos. Kumbaga, gumawa sila ng krimen dahil sa pangangailangan ng tahanan. Hindi ito pagtatanggol sa mali, kundi paglilinaw ng laganap na karalitaan sa bansa. Hindi lahat ng mahirap, at hindi lang mahihirap, ang nalululong sa krimen. Marami ang natutukso dahil marupok at mangmang. Walang dignidad, walang abilidad.

Halos 8.7 milyong Pilipino, isa sa bawat limang ma-yor de edad, ang walang trabaho nu’ng 3rd-quarter 2017. Sinisante sila o nag-resign o hindi magka-trabaho mula graduation sa kolehiyo. Ang survey na ‘yan ng Social Weather Station ay pareho nu’ng sa 3rd-quarter 2016: 8.4 milyong jobless. Bukod du’n, 3 milyon ang nawalan ng trabaho nu’ng magpa-Pasko. Malamang maulit din ang mapait na Christmas statistics.

Maliit na porsiyento lang ng mga walang trabaho ang walang dignidad at walang abilidad. Marami nga ay nakapag-kolehiyo. Pero mapapabilang din sila sa mga maralita kung matagal na walang hanapbuhay. Magiging desperado rin sila.

Labis-labis nang inalisa kung bakit maraming walang trabaho. Inuugat ito sa mga patakarang kontra mamumuhunan, hirap ng pagnenegosyo, mahal na kuryente, kakulangan ng mga industriya, masagwang infrastructures lalo na telecoms, pagpapabaya ng gobyerno, at kabobohan at katiwalian ng burokrasya. Ano man ang mga ugat, ang kawalan-trabaho ay dapat lutasin ng administrasyon. Nanga­ko ito ng pagbigay ng mga pangunahing panga-ngailangan. Isa ru’n ang trabaho.

Masugid na nilalabanan ni Duterte ang droga. Isang mabisang sandata ang hanapbuhay kontra drug users at pushers.

* * *

 Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with