Si Bong Go, si Bong Go
(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2018 - 12:00am

WALA nang ibang bukambibig si President Duterte kundi “Bong, Bong, Bong”, na tawag niya sa kanyang special assistant na si Christopher “Bong” Go, na la­ging handa sa kanyang tabi  ano mang oras o panahon.

Si Bong ay nasa “beck and call” na ni Duterte simula pa noong 1998 nang mamatay ang executive assistant noong mayor pa si Duterte na si Jimboy Halili.

Actually, ang tatay ni Bong ang kaibigan ng Presidente noong sila ay mga bata pa rito sa Davao City. Nagkataon  lang na kailangan ng Pangulo ng EA at si Bong ang napisil.

At simula noon, wala nang pumupunta kay Mayor Duterte hanggang naging Presidente siya na hindi dumadaan kay Bong. 

Si Bong ang nag-aasikaso sa lahat ng pangangaila­ngan ng Presidente maging sa araw-araw na briefer o schedule at appointment nito.

Paano na lang kaya ang buhay ni Duterte kung wala si Bong Go? Imadyinin n’yo nga.

Sinabi nga nila na kung may “little president” man-- si Bong na ‘yon.

Ngunit sa lahat ng ito, sa lahat ng kapangyarihang nasa kamay ni Bong bilang special assistant ng Presidente --- nanatili siyang mapakumbaba at hindi mayabang.

Nandoon ‘yung “humility in power” ‘ika nga. At alam ‘yan ni Bong na at the end of the day uuwi at uuwi silang dalawa ni Presidente dito sa kanilang hometown, Davao City.

At nitong mga nagdaang araw si Bong ay nasa gitna ng kontrobersiya ukol sa planned purchase ng P15.5 billion na dalawang frigates ng Philippine Navy.  Sinabi ni Rep. Gary Alejano na si Bong Go ay nakialam sa  bidding process for the Combat Management Systems of the frigates.

Lahat nang ito ay pinabulaanan ni Bong Go na sinabi pa nga niyang handa siyang humarap sa anumang pagdinig maging sa Kamara o sa Senado ukol sa nasabing usapin.

Sinabi ni Bong Go na anytime, anywhere, handa siyang harapin ang kanyang mga accusers dahil alam niya na ang mga accusations laban sa kanya ay pawang walang katotohanan.

Maging si President Duterte, Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating Navy Chief Ronald Joseph Mercado ay talagang pinagdiinan na walang tinulak si Bong Go na kailangang bilhin ng Philippine Navy.

Naniniwala ako na walang katotohanan ang mga akusasyon laban kay Bong Go hindi lamang dahil matagal na namin siyang kilala dito sa Davao CIty ngunit dahil na rin may isang tao akong pinaniwalaan na siyang nagsabi sa akin na talagang hindi totoo ang bintang ni Alejano. 

Itong taong ito ay alam na alam niya lahat ng pro­sesong pinagdaanan si bidding at sa maging sa simula pa noong pinag-aralan pa kung ano ang specs at anong klaseng frigate ang kukunin ng Philippine Navy.

“Ma’am, maniwala ka sa amin, hindi totoo ang alegasyon ni Alejano. Napulitika ang pagbili ng frigates na ‘yan. Ginamit talaga sa pulitika laban sa Presidente ng mga taong may ayaw sa kanya,” sinabi ng aking very, very, very reliable source. 

Bukod pa na naniwala na talaga ako kay Bong Go, naniwala rin ako sa aking source na alam lahat from step-one hanggang saan na sila ngayon sa procurement ng Philippine Navy sa dalawang frigates. 

Promise---talagang kapani-paniwala ang aking source.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with