EDITORYAL - ‘Tanggal-Bulok’sa LTO
(Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2018 - 12:00am

KUNG maraming sasakyang bulok ang yuma­yaot sa kalsada ngayon sa buong bansa at pinipilit namang harangin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mas maraming bulok na tauhan sa Land Transportation Office (LTO). Mas mainam kung uunahin munang linisin ang LTO sa mga bulok bago ang pagwalis sa mga bulok na sasakyan. Ang LTO ang dahilan kung bakit maraming bulok na sasakyan ngayon sa kalsada. Kahit kakarag-karag na ang sasakyan at mahigit nang 15 taong gulang, ini­rerehistro pa rin ng mga corrupt na tauhan ng LTO kapalit nang malaking halaga ng pera.

Sinimulan ng MMDA at LTFRB ang kampanya nilang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” noong nakaraang linggo bilang pagtalima sa jeepney mo­dernization ng pamahalaan. Ngayong Enero ang itinakdang pagtatanggal sa mga sasakyang luma o karag-karag. Ilang beses sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte na ang mga jeepney operator at driver na hindi susunod sa modernization ay ipasusuyod niya para mawala ang mga ito sa kalsada. Hindi raw siya nagbibiro sapagkat ang planong ito ay matagal nang dapat ipatupad at ngayong siya na ang nasa puwesto, ipatutupad niya ito. Hindi raw siya nagbibiro. Talagang wawalisin ang mga sasakyang bulok na nagdudulot ng air pollution at trapik sa Metro Manila.

Pero kung mayroong dapat unahing walisin ang Presidente, iyan ay ang mga corrupt sa LTO na pinagkakaperahan ang pagrerehistro ng mga lumang sasakyan. Ayon sa isang report, umano’y nasa P7,000 ang bayad sa mga corrupt sa LTO para marehistro ang sasakyan. Hindi na raw ka­ilangang magpakita pa ang may-ari ng sasakyan at presto! Maski ang sasakyan na walang ilaw sa harapan at seatbelt ay puwedeng irehistro basta may pambayad sa mga corrupt sa LTO.

Unahin ang mga “bulok” sa LTO at mawawala rin ang mga bulok na sasakyan sa kalye.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with