Hindi nakialam
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2018 - 12:00am

DAHIL umiinit na ang isyu, nagsalita na si Defense Sec. Delfin Lorenzana at nagpahayag na hindi nakialam si Special Assistant to the President Bong Go sa pagpili ng Combat Management System (CMS) na ilalagay sa dalawang barkong pandigma na bibilhin ng Pilipinas mula South Korea. May sulat umano na ibinigay si Go kay Lorenzana, kung saan tila nilalaglag ang Thales Tacticos at pinapaboran ang Hanwha Systems. Walang pirma ang sulat. Ang Thales Tacticos daw ang mas pinapaboran ng Philippine Navy na ilagay sa dalawang barkong pandigma.

Ang tinutukoy na sulat ay galing daw sa Hanwha, na dumaan lang daw sa tanggapan ni Go sa Palasyo. Sa pagtanggap ni Lorenzana ng sulat, ibinigay kay dating Vice Admiral Ronald Joseph Mercado na sinibak noong Disyembre, na ibinigay naman kay Commodore Ro­bert Empredad para sagutin. Hanggang doon na lang.

Nagsalita na rin si Mercado. Ganundin ang paha­yag. Hindi raw nakialam si Go sa anumang aspeto hinggil sa dalawang barkong pandigma, pati na rin sa pagpili ng CMS na ilalagay sa mga ito. Pero sa kabila ng kanyang pahayag na iyan, marami pa raw isyu ang tatalakayin niya sa tamang panahon at tamang lugar. Nais lang daw linawin ang mga paratang kay Go. Mukhang para kay Mercado, hindi pa tapos ang isyu, kung makakasalita pa siya, ngayong alam na rin ang kanyang saloobin.

Kung galing nga sa Hanwha ang tinutukoy na sulat, puwede sila naman ang tanungin? At bakit sa Palasyo dumaan ang kanilang sulat, kung sa Philippine Navy (PN) o sa Department of Defense (DND) sila dapat magpaliwanag ng benepisyo ng kanilang sistema kum­para sa Thales Tacticos, na mas pinapaboran umano ng PN? May kilala ba sila sa Palasyo kaya doon dumaan ang sulat na wala ring opisyal na lagda nila, o letterhead man lang? Napakamisteryoso naman ng sulat na iyan, na wala namang tumatanggi at kung saan-saan umabot.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with