Kapakanan ng ating mandaragat
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2018 - 12:00am

AKALA ko ay tapos na ang isyu ng pagsibak kay Vice Adm. Ronald Joseph Mercado noong Disyembre. Ayon kay Defense Sec. Lorenzana, nawala na raw ang tiwala at kumpiyansa niya sa intergridad at pamumuno ni Mer­cado dahil sa pagpilit nito sa isang kumpanya na mag-suplay ng “combat management system” (CMS) para sa mga barkong pandigma na bibilhin ng Pilipinas. May kontrata na raw ang bansa sa Hanwha Systems na magsuplay ng nasabing sistema para sa mga barkong pandigma na manggagaling sa South Korea.

Sa isang “privilege speech” ni Rep. Gary Alejano na dati ring sundalo, may sulat umano si Christoper  “Bong” Go, ang special assistant ni Pres. Rodrigo Duterte, kay Defense Sec. Lorenzana tungkol sa CMS para sa mga barkong pandigma na bibilhin, saklaw ng moder­nisasyon ng Philippine Navy (PN). Lumalabas na mas gusto ng PN ang sistema ng Thales Tacticos ng Nether­lands, kumpara sa Hanwha Sytems na may kontrata na sa bansa.

Ang Thales Tacticos ang ginagamit na sitema ng higit 20 hukbong-dagat sa mundo. Ang Hanwha Systems naman ay gamit ng hukbong-dagat ng South Korea at Malaysia. Pero ang laman ng nasabing misteryosong sulat ay tila pinapaboran ang Hanwha, habang nilalaglag ang Thales Tacticos. Ang hamon ni Duterte, na kung may dokumento na maipapakita na nakialam si Bong Go sa pagpili ng CMS para sa mga barkong pandigma, sisibakin daw niya kaagad. Walang pirma ang nasabing sulat.

Siguro ang dapat magsalita ay si Lorenzana. May sulat nga ba siyang natanggap, tulad ng sinasabi ni Rep. Alejano? Mas gusto nga ba ng PN ang sistema ng Thales Tacticos, na ginagamit ng mas maraming hukbong-dagat? Ano ang naging resulta ng Technical Working Group ng PN sa pagpili ng nararapat na CMS para sa mga barkong pandigma na bibilhin? Tandaan na kapaka­nan ng ating mga mandaragat ang nakataya sa pagpili ng nararapat na CMS para sa mga barko. Sila ang mas nasa posisyon na mamili ng nararapat na sistemang ga­gamitin sa mga barkong pandigma, at hindi kung sinu-sino pa riyan. Malinawan sana ang isyu sa lalong mada­ling panahon.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with