Mga guro, taasan din ng suweldo
KUNSABAGAY - Tony Katigbak (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2018 - 12:00am

‘YAN na nga ba ang sinasabi ko, kung hindi nagma­galing si Presidential Spokesman Harry Roque hindi sana magkakaroon ng ideya ang mga guro para magwelga. Natural may karapatan din silang tumanggap ng umento sa sahod dahil tulad ng mga pulis at sundalo mga kawani rin sila ng gobyerno. Fake News lang pala ang sinabi ni Roque na posibleng doblehin ni Digong ang suweldo ng public school teachers.

Itong si Budget Sec. Benjamin Diokno ay isa sa magaling, matapat at masipag na miyembro ng Gabinete ni Digong. Bilib ako sa taong ito kung magtrabaho pero magkasalungat kami ng paniniwala pagdating sa umento ng sahod ng public school teachers, mas prayoridad daw ng gobyerno ang build, build, build project ng Presidente. Para hindi raw tayo huli kum­para sa ibang bansa. Hindi kaya nakikipagpaligsahan na ang gobyerno natin?

Hindi rin biro ang hirap na dinaranas ng mga guro lalo na yung mga nakatalaga sa malayong probinsiya. Sakripisyo rin ang kanilang ginagawa, umaakyat sa bundok, tumatawid ng mga ilog at dagat maabot lang ang mga liblib na lugar upang mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan. Sila rin ang katulong ng gobyerno tuwing sasapit ang halalan.

Pag-isipan sanang mabuti ng gobyerno na kaila­ngan din paglaanan ng pondo ang mga guro. Tulad ng mga pulis at sundalo, di ba nung una itong inanunsyo ni Digong zero budget din ito? Pero nakahanap ng pa­raan si Diokno para mapunan ito. Subukang paking­gan ang hinaing ng mga guro dahil sila ang katulong ng mga magulang para hubugin ang ating mga anak tungo sa magandang kinabukasan.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with