The fatal Promise
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2018 - 12:00am

NATUWA ang ating mga public school teachers nang ipahayag ni Presidente Duterte na madodoble na ang kanilang suweldo. Pero ang kagalakan ay napalitan ng kalungkutan nang sabihin naman ni Budget Secretary Ben Diokno na walang pondo para ipatupad ang gusto ng Pangulo.

Ani Diokno, kakailanganin ang pondong nagkakahalaga ng P500 bilyon para maipatupad ang ganyang salary increase sa mga guro at ang halagang iyan ay hindi matutugunan ng pambansang budget. Wow, bigat!

Para mong iniangat ang mga guro at pagkatapos ay biglang ibinagsak.

Kaya galit ang mga guro kay Diokno at itinuturing siyang: “teachers’ enemy number one.” Kawawang Diokno­! Hindi niya kasalanan kung walang pondo para sa ipinangakong umento ng Pangulo sa mga guro.

Ang problema ay, simula sa akinse ng buwang ito, tatanggapin na ng mga pulis at sundalo ang ipinangakong dpouble salary ng Pangulo. Natural, magtatampo ang mga guro. Higit bang pinapahalagahan ng adminis­trasyon ang mga pulis at sundalo kaysa mga taong humu­hubog sa karunungan ng mga kabataan?

Kaya nabubuo ang hinala ng taumbayan na binibeybi ni Duterte ang mga sandatahang tauhan ng pamahalaan dahil sa intension niyang magdeklara ng martial law. Ayaw kong isipin ang ganito at gusto kong paniwalaan ang pahayag ng Pangulo na wala siyang intensyong palawigin ang kanyang panunungkulan.

Sana man lang, magkaroon ng koordinasyon ang Pangulo sa kinauukulang gabinete niya bago gumawa ng ano mang pahayag para hindi napapako ang kanyang mga pangako.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with