Isang daliri lang ang kailangan
K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - January 3, 2018 - 12:00am

HINDI pa malinaw kung ano ang nangyari bago pinagbabaril ng mga pulis-Mandaluyong ang sasakyan na nagdadala ng isang babaing sugatan sa ospital noong nakaraang Huwebes. Nagpositibo sa pulbura ang babae, pati ang isang kasama niya. Ang alam pa lang natin ay nagkaroon ng away dahil sa paradahan sa pagitan ng grupo ni Jonalyn Amba-an at Abdurakman Alfin. Tinuro ng grupo ni Alfin ang sasakyan nila Amba-an sa mga tanod, na humabol at binaril. Pagdating ng mga pulis, tinuro rin ng mga tanod ang sasakyan, kaya tinadtad ng bala. Nang matapos ang putukan ay nadiskubreng hindi armado ang mga nakasakay. Namatay si Amba-an at ang kasamang si Jomar Hayamon, habang dalawa pa ang nasaktan. Tatlo ang nakaligtas.

Ang pagiging positibo sa pulbura ni Amba-an ay hindi kaagad patunay na nagpaputok ng baril. Maaaring nakipag-agawan sa baril nang pumutok, kaya inabutan nang pagsaboy ng pulbura. Baka ganundin sa isang kasama niya. Kaya kailangang malaman ang tunay na nangyari mula sa mga nakaligtas sa pamamaril. Inulan ng batikos sa social media ang tila pahiwatig na namaril nga sa mga pulis ang mga nakasakay sa Adventure, kaya positibo sa pulbura. Ang malinaw pa lang ay ang pagkukulang ng mga pulis-Mandaluyong.

Mabuti na lang at hindi natuloy ang Masa Masid ng DILG, kung saan maglalagay ng kahon sa bawat barangay na puwedeng hulugan ng sinuman ang mga panga­lan ng mga sangkot umano sa krimen. Isipin na lang kung natuloy ito. Lahat ng malalagay na pangalan ay puwede nang maging target ng mga pulis. Kung sinabi ng pamunuan ng PNP na dadaan naman sa masuring beripikasyon ang mga pangalan, ano ang masasabi nila sa masuring beripikasyon na ginawa ng mga pulis-Mandaluyong?

Tinuro lang ng mga tanod ay sapat na para pagbabarilin ang sasakyan. Ni walang indikasyon na namaril ang mga nasa loob ng sasakyan. At kung nakahinto na, bakit hindi muna pinilit na pababain lahat? Kung may bumaba na, bakit hindi inalam kung bakit ayaw bumaba ng mga naiwan sa loob? Sumisigaw na raw sila pero hindi sila pinakinggan, o baka hindi marinig dahil sa sunud-sunod na pagbabaril ng mga pulis. Nalaman sana nila na tinamaan na pala ng mga bala ang mga naiwan sa loob. Malinaw na ang sitwasyong ito ay puwedeng mangyari kahit kanino. Ang kailangan lang ay isang daliri na magtuturo sa mga pulis kung sino ang pwede nang pagbabarilin. Ilan kaya sa mga napatay na sa Oplan Tokhang at Double Barrel ang tinuro lang sa mga pulis, na wala ring beripikasyon?

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with