MRT-3 rehab: Tayo ang pagbabayarin
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

NAG-AAPURANG umutang sa Japan ang Department of Transportation (DOTr). Kailangan daw ito para ipa-repair ang MRT-3 commuter railway ng Kamaynilaan.

Dalawa ang puna sa pag-utang na ito. Una, ani Rep. Jericho Nograles, inuuna ng DOTr ang pag-utang bago ang system audit. Sa audit na ito malalaman kung gaano kasira na ang mga tren, riles, signaling, power supply, at mga istasyon. Kapag nalaman na ‘yon, malalaman din kung magkano ang magagasta sa repair. At ‘yon ang halagang uutangin. Kung walang audit at uutang na lang agad, ani Nograles, makakalimutan din kung sino ang maysala sa pagkasira. In-expose sa kolum na ito na tatlong palpak pero konektadong mga kompanya ang binayaran ng dating DOTr ng bilyun-bilyong piso para sa maintenance. Pero hindi ito ganap na minentena, at hindi sila bumili ng karampatang spare parts. Nabulok tuloy ang MRT-3.

Ikalawang puna: kung uutang ang DOTr, ang magbabayad ay ang taumbayan. Pati mga taga-Batanes at Tawi-Tawi, na malamang ay ni hindi pa nakakasakay sa MRT-3, ang babalikat ng utang. Pero ang railway ay pribado: pag-aari ito ng Metro Rail Transit Corp., sa ilalim ng build-lease-transfer nang 25 taon, 2000-2025.

Ni hindi naman nais ng MRTC umutang. May sarili itong mungkahi: Isoli sa kanila ang maintenance na inalis ng lumang DOTr para paboran ang tatlong konektadong kumpanya. Agad 100 engineers ng MRTC ang magsusuri kung gaano kasira ang MRT-3. Tapos ipagagawa nila ito sa orihinal na maintenance company na Sumitomo Corp. sa halagang $150 milyon. Hindi kikita ang MRTC sa pag-repair. Dadaan lang sa kanila ang perang pambayad sa Sumitomo. Kukunin ang pambayad sa ticket sales sa mga pasahero. Tapos, patuloy nang imementena ng MRTC ang MRT-3 sa pamamagitan ng Sumitomo.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with